Chapter 4 - One on One

7.6K 94 43
                                    

Chapter 4

*Posadas Residence* - Oliver

Tss. Naalala ko na naman yung kanina, I should've say something to her. Ugh. Ni "Hi" or "Hello" hindi ko man lang nasabi? What just happened there Oli? Ikaw ba yun o kaluluwa mo lang? But seriously, I already had the album in my hand tapos nawala pa? Buti na lang talaga at si Coleen yun.

Nakakalungkot lang at may naalala akong isang pangyayari sa buhay ni Coleen na hindi ko rin malilimutan. That moment was the first time I had a glimpse of her face even though it's a tragic accident.

[FLASHBACK-Summer before Second Year]

It was three years ago...

"Ang bilis ng araw! Second year na agad tayo kuya Owy!" Papunta kami ngayon sa Dancing studio at nakasakay sa motor, si Kuya Owy nagdadrive at nakahelmet naman kami parehas.

"Dapat nga 3rd year na ko, tinamad lang ako ng isang taon. Hahahah!" tumawa si Kuya Owy, ako naman napakamot ng ulo. Naku kase! Pero ayus na din yun at nagiging kaklase ko siya.

Nadaanan namin ang mall at naalala ko yung pinapakinggan ko sa Ipod ko na kanta ni Julie Anne, ang ganda nung own composition niya na When I close my eyes.

"Teka! Teka Kuya!" sabi ko habang hinahataw hataw ko siya ng mahina sa balikat.

Agad namang tinigil ni Kuya yung motor, halata naman nagulat din siya.

"Uy, ano ba yun! Walastik naman to. maaksidente tayo nyan eh." Iniandar niya ulit yung motor, at ipinarada sa may tabi pa.

Ako naman bumaba na, tinanggal ko na din yung helmet ko.

Pagtanggal ko, tumingin ako sa kabilang kalsada. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Parang gusto kong tumakbo, pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Nakita ko,kung paano nabangga yung babae.

Nakita ko yung Babae, kasama yung anak niya habang patawid sila.

Tumigil yung mundo ko..

Nakita ko yung anak nyang babae. Umiiyak ito habang tinatawag ang mama niya.

Maganda at maamo ang mga mukha nya kahit lumuluha sya.

"MA! Mama! please gumising po kayo!" Malakas na pag-iyak niya.

Tumingin siya sa direksyon ko, at luminga linga din sa ibang lugar.

"TULONG PO!! Tulungan niyo po ang Mama ko! Please!" Hindi ko alam, nang mga oras na yun. Parang gusto siyang lapitan, parang gusto ko siyang alalayan.

Kaso wala...naduwag ako.

I saw how it hits her mom, nanghihina ang mga tuhod ko habang nakatitig ako sa katawan nya.

"O-Oli! Huwag mong tignan yan!" Tumakbo si Kuya sa tabi ko at tinakpan ang mga mata ko, kahit na isang taon lang ang pagitan namin, alam niya pa din ang responsibilidad niya.

"Kuya Owy." hindi nakita ni Kuya Owy yung nangyari, dahil may suot pa siyang helmet.

Just a minute, may narinig na kong paparating na Ambulance. Papasakay na si Kuya nun at isinusuot na lang yung helmet niya.

Pero tumakbo ako dun sa batang babae..

"Oli!"

There was a last glance in our eyes.Kahit na umiiyak siya, ay para parin siyang anghel.

Hindi sinasadya na mailaglag nya ang hawak-hawak nya ng pasakay na sya sa ambulansya.

"Ms! Teka lang!" Hindi na niya ata ako narinig nun, ang ginawa ko na lang ay pinulot ang album na binili niya.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now