Chapter 60 - Princess

1K 17 16
                                    

Chapter 60 - Alexia

Napagisipan ko na namang mabuti ang sasabihin ko kay Owy, noong mga nakaraang araw nga medyo nawawala na siya sa isip ko. Pero nung nagtapat siya sakin, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Dapat ba kong matuwa? dahil iyon din ang nararamdaman niya sakin? Magduda, na baka hindi naman talaga niya ko gusto. Na baka naawa siya sakin, o Mainis sa sarili ko? Dahil di ko siya pinagbigyang magpaliwanag? Tsaka iniisip ko rin yung nararamdaman ni Chi. Nagpromise kami na maglilo muna sa kanila.

Kaya ito, bago ulit ako magreply kay Owy. Kinausap ko muna si Chi na, makipagayos na rin siya kay Ully. I mean, magpansinan na ulit sila.

"Hello Chi?"

"Oh Hi Pinsan!" Mukhang cheerful ang boses niya ngayon. Naririnig ko pa na maingay ata sa kanila.

"Anong meron?"

"He-hello? Sorry Alexia teka lalabas muna ako ng bahay."

Sandali pa nagsalita na ulit siya..

"Hello, Sorry ha. Kasi 70th birthday ni Lola, ayun may nagkakaraoke. Mga galing sa probinsya mga kamag-anak sa side ni Mama. Anong sasabihin mo?" Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Gusto ko sanang, makipagayos na tayo. Ikaw kay Ully, ako kay Owy..." Natahimik siya sandali..

"Im sorry Alexia..." Ibig bang sabihin nun, hindi pa siya handa?? "Sorry kasi di ko nasabi sayo, na nagkaayos na kami ni Ully noong biyernes lang.."

"Ah-ahh,o-okay lang yun. Yun din naman gagawin natin di ba? Buti naman ayos na kayo."

"Oo nga eh, ang kulit kasi niya. Hmm, Alexia wag mo sanang mamasamaain. Kailangan mo na talagang makipagayos.."

Oo nga pala, hindi niya alam na umamin sakin si Owy na gusto niya rin ako. Parehas naming mahal ang isa't isa, pero parang mahirap para sakin dahil nahihiya rin ako sa kanya.

"Sige Chi, lalakasan ko yung loob ko. Thank you and enjoy diyan, bye."

"Bye, break a leg."

Meaning goodluck sa pakikipagusap ko sa kanya. Pagkatapos kasi naming magusap the last time, sinabi ko lang na iwan niya muna ako. Nung nireplayan ko siya, nagreply agad naman siya ng thank you. Pero sabi ko, kahit sa terrace lang sa taas doon kami magharap. Sabi niya okay lang, Mga 9:30 ang usapan namin.

Habang papalapit ang 9:30pm, parang unti unti ding umaatras,I mean nagbabago isip ko. Kumuha ako ng notebook at panulat at isinulat ko yung dapat kong sabihin. Kung di ko kaya sa harap niya, mas mabuti na siya na lang mismo ang magbasa kahit nasa harapan niya ko.

Nakatulala lang ako sa veranda ko, bukas ang ilaw doon at naghihintay ng text ni Owy. Pero ilang saglit pa ay parang may bumatong kung anong bagay. Binuksan ko ang sliding door at hinanap ang bagay. Nakita ko ang isang papel na nakabilog, at tsaka ko binuksan.

'Kung handa mo nakong patawarin Alexia, dahil kung may nagawa man akong mali...pwede ka ng lumingon sa baba..'

Pagkatingin ko ay may biglang tumunog na strum ng gitara, di ako nagkakamali. May hawak siyang papel at bulaklak, at si Oliver naman ang tumutugtog ng gitara..

"Your hand fits in mine, like it's made just for me. But bear this in mind it was meant to be and I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks. And it all makes sense to me I know you've never loved, the crinkles by your eyes when you smile. You've never loved, Your stomach or your thighs, the dimples in your back at the bottom of your spine. But I'll love them endlessly"

Alam niyo yung hindi mo na alam magiging reaction mo. Pero, OA na kung OA na umiiyak ako sa harap niya.

Habang pinupunasan ko ang luha ko na umaagos sa pisngi ko, patuloy pa rin siya sa pagkanta niya. Nangingiti ngiti na lang ako sa harana niya, kahit na hindi naman ganun kaganda ang boses niya ramdam na ramdam ko ang pagkanta niya.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now