Chapter 6 - Sorry

5.8K 66 37
                                    

Chapter 6 - Oli

Hindi ko alam, kung bakit bigla na lang akong itinulak ni Ranz. Galit siya sakin, dahil sa tinanong ko kahapon? Nagpapakatotoo lang naman ako. Ayoko lang masaktan si Coleen sa kanya.

Ang sakit nung pagkakatumba ko. Sa totoo lang na-out-of balance lang din ako nung naitulak nya ako.

Nakita ko naming inalalayan ako ni Ully, Cav at Kuya.

"Oli isang tanong isang sagot!!" sigaw ni Ranz at napatingin kaming lahat kay Ranz. "May gusto ka ba sa girlfriend ko!?"nagulat ako sa itinanong nya. Ni hindi ko alam kung paano sasagutin yon. "May gusto ka ba kay Coleen!!?" Paulit na tanong niya.

Dama ko yung galit sa mga mata niya.

Magsosorry naman talaga ako, pero bigla na lang niya akong itinulak, at dahil dun mas ayaw ko pang magsorry.

Oo, pareho kaming mapride. Pero parang sumosobra na kasi siya. Masyado na siyang mayabang. Kung alam mo lang Ranz, na siya ang first love ko. Magugulat ka pa kaya? Sasaktan mo pa kaya ako?

That's it.

Hindi ko kayang umamin, ayaw ko nang lumala pa ang problema.

Kaya naman magpapakumbaba na lang ako.

"WALA!!!!" sigaw ko. "At hinding-hindi ko sya magugustuhan!" parang nanghina ako nung sinabi ko yun. Nirerespeto ko ang mga babae, dahil si Mama ang nagpalaki samin. At kahit isang beses ayaw kong makapagbitaw ng ganung salita, pero ngayon.

Kailangan lang...

Ang tanging iniisip ko lang, ay magkaayos na kami.

Better think of anyone else, before yourself.

"Masaya ka na?!"

Kaya nagsinungaling na lang ako.

Kaya mo yan Oli, okay lang...

Kahit masaktan ka pa...

"Ano!?" Napakagat ako sa labi ko ng masabi ko yun, I don't know kung ano ang magiging expression ni Ranz, ang gusto ko na lang talaga maging okay kami.

*Montevista Subdivision* - Coleen

Papunta na ako ng montevista subdivision, yun nga kasi magjojogging daw kami. Sinabayan ko na si Papa pagalis ng village naming sa EverGreen Subdivision. Inihatid niya lang ako sa Monte Vista dahil medyo malayo samin yun.

"Papa, ingat po kayo pagpasok. Bbye" Nakangiti kong sabi.

"Bye Princess." pagkatapos itinaas niya yung windshield ng kotse. Napansin ko din kanina yung camera na binili ni Papa kahapon, nakalagay siya sa brown paper bag.

Naks, sino kaya pagbibigyan ni Papa?

Naglakad na ako papasok, at tumingin sa wrist watch ko.

Napaaga pala ako sa pagpunta dahil alas-syete ang usapan naming ng bestfriend ko. Pero tumuloy na din naman ako dahil wala naman akong choice. Marami ding tumatakbo, pero hindi ko naman kakilala kaya hindi ko nalang din pinapansin. Ikinabit ko ang earphones sa tenga ko, pagkatapos ay nagsimulang tumakbo. Buti na lang di masyadong mainit ngayon kaya sinipag ako.

"Hello po, gising na po ba si Chi?" Tanong ko dun sa katulong nila na kalalabas lang ng bahay para magtapon ata ng basura.

"Oh, Goodmorning Ineng. Oo, palabas na siya, may dala nga siyang tarpaulin ba yun? Kala mo eh meh fiesta." Sagot nito, Bisaya nga pala yung yaya nila, kaya pala may punto yung salita niya.

Ngumiti na lang ako.

"Sige po, salamat po. GoodMorning po pala." Nginitian lang nya ako at pumasok na sa loob. Hindi na niya ko pinagsaraduhan ng gate dahil palabas na din naman si Chi.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now