Chapter 16 - Conflict

4.3K 35 34
                                    

Chapter 16 – Ranz

*Before the recent happening*

Sabay sabay kaming umuwi, habang nasa sasakyan parang sobrang tahimik. Hindi pala parang, TAHIMIK talaga. At nakakapanibago yun sa grupong Chicser, si Oli lang naman madalas na tahimik eh. Pero nakikisabay din sa trip kapag nasa mood..

Tulog na kaya si Coleen? Baka nagalit sakin yun dahil hindi ko siya kinontact. Siguro itetext ko na lang siya.

'To: 092638****2 (Babe <3)

'Babe, Sorry hindi kita naitext =( , sana di ka nagtampo sakin. Goodnight Babe. I love you :*'

Paano naman kaya si Abby? Bakit ganung si Tita, parang may itinatago siya samin samantalang dati close kami sa isa't isa. Boto pa nga siya nun, pero parang iwas na siya sakin. Parang may ibang dahilan kung bakit ayaw na niya sakin.

Bago ako dumeretso sa kwarto ko, nasilip ko ang kwarto ng mga kapatid kong babae. Magkakasama lang sina Chelseah at Nina. Si Niana at Mama naman ang magkatabi sa isang kwarto, wala kasi si Papa. Pagkatapos dumeretso na ko sa kwarto ko at nagpalit lang ako ng damit, at naghilamos. Tapos humiga na ko at tinitigan ko yung phone ko.

Bakit kaya ang tagal magreply ni Coleen? Baka nga tulog na siya?

*Coleen's Room* - Coleen

Hindi ko alam, pero parang may nagtulak sakin na magising ako ng maaga. Alas kwatro palang, Nagtext kaya si Ranz?

Sana..

Tinignan ko, kaya natuwa naman ako sa nakita kong text niya. Kahit kailan talaga ang sweet parin ni Ranz, kahapon pa ata niya tong text na to, hindi ko kaagad nabasa. Natulog na kasi ako pagkatapos kong icheck ang notifications ko sa facebook.

Nilike ko lang yung status ni Oli. na,

'The Best part of my day is when I am with you! #Goodnight OliBears!'

Syempre masaya din naman ako ngayong araw nato kahit papaano. Pero nag-aalala pa din naman ako kay Abby, kaibigan pa din naman sya ng Chicser.

Pagkatapos ay nakita ko naman yung text sa akin ni Ranz. Ranz ang pangalan nya sa cellphone ko kase natatakot ako na baka mabasa na lang ni Papa isang araw. Tingin ko tuloy ang sama kong girlfriend.

To: Ranz

GoodMorning Babe :) Ok lng po yun. Naiintndihan ko nman. I love you moooore Babe :* Church ok? :))

Inilapag ko na yung cellphone ko sa table ko, tapos kumuha ako ng towel. Maliligo muna ako, mukhang tulog pa naman sina Manang at Papa. Sunday na naman, sana walang gagawin si Papa. Para yayain niya ko magsimba.

*Oliver's Room* - Oliver

Kinikilig pa din ako, kasi nilike ni Coleen yung status ko! Paano ba kami kiliging mga lalaki? Nakangiti magdamag.

Balik na naman ako sa luma kong cellphone. Psh, di ko na ipapagawa yung nabasa, itatabi ko na lang. Memorable yun eh. Kinuha ko yung number ni Coleen, syempre.Pakilala na lang ulit ako.

5 am ako nagising, magbabasketball kasi kami nina Kuya Owy at Cav. Sunday Morning Habit naming tatlo yun. Naisipan ko namang itext muna si Coleen, para naman malaman din nya kung anong number ko.

To: Coleen

Hello, goodmorning Coleen :) Si Oli pala to, bagong number ko. Di ko na kasi maipagawa ung nabasa. GodBless sana maging maganda at blessed ang Linggo mo. :))

Nagbihis na ako at balak ko muna ikutin yung village bago magbasketball, parang jogging na din.

"Pasok.." sabi ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin