Chapter 35 - Secret Bestfriends

2.1K 39 33
                                    

Chapter 35 – Coleen

"Manang, luto na po ba yung dinner??" Pababa ako ng hagdan, nagutom na kasi ako at kakatapos ko lang din maggawa ng homework. "Oh papa? Nandito na po pala kayo?" Lumapit ako kay Papa at kiniss ko siya sa pisngi.

"Anak.." Nakangiting bati sakin ni Papa, sabay binulsa niya yung cellphone niya.

"Pa,ang saya natin ngayon ah? Iba na talaga pag inspired kay TIta Ivy..yieee." Asar ko kay Papa, nakakatuwa kasi Masaya talaga siya kay Tita Ivy.

"Ikaw talagang bata ka." Sabay gulo ng buhok ko. "Hindi galing kay tita Ivy mo yung text.."

"HA!? Pa wag mong sabihing may ibang...-"

"Princess naman, syempre wala. Wala akong iba. Galing sa anak niyang medyo di ko kasundo nung una.." Ahh yun naman pala. Akala ko naman

Ayy teka..

"Ano po bang sabi??" Tanong ko kay Papa.

"Basta, anak kumain muna tayo. Sabihin ko sayo later ha, gutom na ang gwapo mong Tatay eh." Ang yabang din nitong si Papa eh , buti di ako nagmana. Haha, joke lang. Syempre gwapo talaga si Papa.

"Oo na pa! Gwapo na! haha, tara napo. Mukhang may dinner na naman po tayo eh." Aya ko sa kanya at hinila ng kaunti.

*At Mini Stop* - Irish

Ano ba tong naramdaman ko kanina? Parang kinuryente yung puso ko nung pinarinig sakin ni Pototoy yung new favorite song daw niya... "I fell in love with my Bestfriend.." Ibig ba nung sabihin, nainlove siya sakin?? No. Malamang friends kami, kaya mahal niya ko. Bakit ba ganito nasa isip ko? Naman oh. Crush ko lang siya. PERIOD.

"Miss??" Bigla na lang may nagsnap sa harapan ko. Hay, customer lang pala. On work kasi ako ngayon, para man lang madagdagan yung allowance ko.

"Im sorry po.." Kinuha ko na yung binili niya,tapos binalot nadin.

"Thank you Mam, come again.." sabay ngiti ko naman. Lahat ata nung katrabaho ko nakatingin sakin ngayon, nagtataka lang siguro sila.

"Irish, umuwi ka na. Gabi na oh, wala kang kasabay, kasi maagang umalis yung friend ko." Sabi sakin ng isa kong katrabaho, kaibigan niya kasi yung lagi kong kasabay pauwi, kasi magkapitbahay kami.

"Ahh, ganun ba? Hmm, okay lang ba? Kasi 1 hour pa naman bago ako magout eh." Umiling lang siya.

"Oo naman, tsaka nag-aaral ka pa, baka may mga homework ka na di mo pa nagagawa di ba?" Napangiti naman ako sa sinabi niyang yun, natutuwa ako kasi concern sila sakin. "Tsaka parang yung utak mo lumilipad, sige na."

"Ay hehe, sorry po. Sige.." Nagpaalam ako sa kanila isa't-isa bago lumabas ng store. Mag 9pm na din kasi, para sakin masyado natong gabi, kasi madilim yung street namin, siguro papahintay na lang ako kay Tita para mas safe.

Nagaabang na ko ng jeep, kaunti na lang din yung mga kasabay ko. Dalawa yung sumakay, yung tatlo naman tumawid sa kabilang kalsada. So ako naiwan mag-isa na nagaabang ang dilim pa man din, kung wala lang poste ng Ilaw dito, baka di nako Makita ng mga jeepney drivers.

"Ang tagal naman.." Bulong ko sa sarili ko.

"Hi Miss??" Tila kinilabutan ako nung may nagsalita. Lumingon ako sa likod ko, dalawang lalaki na siguro nasa 20's na siguro.

"Uyy, sungit naman neto." Bigla na lang akong hinawakan nung isang lalaki sa braso nung hindi ko sila sinagot. Umatras na lang ako sa takot.

"Sorry.." sabi ko sabay tungo.

"You don't have to be scared to us." Napatingin ako sa sinabi nung isa pang lalaki. "Wala kaming gagawing masama, magtatanong lang sana kung dito ba yung sakayan ng jeep pa Villa ..ano nga ulit pangalan nung resort pare?"

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now