Chapter 38 - Yes!

1.7K 29 22
                                    

Chapter 38 – Ullyses

Madilim na rin ng makarating kami ni Biboy sa subdivision namin. Naglakad lang kami pauwi dahil wala naman kaming sundo.

"Ully, anong sikreto nyo ni Kate?" napalingon akong bigla kay Biboy. Napahinto tuloy ako sa pagsipol-sipol ko.

Hindi pa rin matahimik ang kaluluwa nitong si Biboy. Sinabi na nga ni Kate na akala lang nya nakita nya yung picture eh.

"Anong sikreto?wala kaming sikreto no. Sinabi na nya di ba?Napagkamalan lang nyang si Coleen yung nakita nya." Tuloy-tuloy lang kaming dalawa nun sa paglalakad. Sya nakatingin sakin habang naglalakad, ako naman dere-deretso lang.

"Wag mo nga akong niloloko, alam ko may sikreto kayo." ang kulit talaga ng lahi nitong si Biboy, sinabi ng wala eh. "Sabi ni Kate, nakita nya sa wallet ng kaklase nya. Pero nakakapagduda pa rin. Di kaya,hindi sa wallet ng kaklase nya nakita"

"Ully, patingin ng wallet mo.." bigla na lang nanlaki ang mga singkit kong mata. Anak ng tupa, ang kulit ni Biboy.

"Wa- wala akong pera ngayon Biboy, s- sa iba ka na lang mangutang." Chill pa rin ako kahit kinakabahan talaga ako.

"Tange, di ako mangungutang. Titignan ko lang yung wallet mo." Isip ng paraan Ully. Isiiiiiip.

"Huh?ano namang meron sa wallet ko? May wallet ka naman, yun na lang tignan mo.."itong sikreto na lang na to ang hindi pa alam ni Biboy sakin. At ayoko ring malaman nya.

"anong meron sa wallet mo?" nagulat na lang ako ng hugutin nyang bigla yung wallet ko na nasa likod ng pants ko. Lumayo sya sakin, at binuksan kaagad nya yung wallet. Natigilan ako, wala na. Nakita na nya at ipinakita pa nya sakin. "picture ni Coleen..?"

Inagaw ko naman kaagad sa kanya yung wallet ko.

"Bakit may picture ka ni Coleen sa wallet mo?" nag-crossarms sya sa harap ko. Ako naman todo balik nung wallet ko sa likod ng pants ko.

"Huh?Si Coleen?Di si Coleen yun ah.." tinalikuran ko naman sya at tuloy-tuloy na naglakad.

"Hoy Ully, di ako bulag at hindi rin malabo ang mata ko." Napakamot ako ng ulo ko. Ang kulit naman eh.

"Biboy, wala lang. Trip ko lang to." Sagot ko sa kanya habang nakasunod lang naman sya sakin.

"Kelan ka pa may gusto kay Coleen. Bakit hindi mo sinabi sakin?Di ba bestfriend kita?" napahinto ako, papaluha na ko. Nakakatouch.. Joke

Humarap ako sa kanya ng may seryosong mukha.

"Ok. Dahil bestfriend kita. Sasabihin ko na sayo ang totoo." Nagbuntong hininga ako. "Makinig ka ha.." nakita ko namang sumeryoso din ang mukha nya. "Ganito kasi yun..." dahan-dahan akong tumingin sa langit. "aray ko!Ang sakit aaah!" sikmnuraan ba naman ako. Ikwekwento ko na nga mala Magpakailanman eh.

"Magseryoso ka kasi.." seryoso naman ako eh... Akala nya naman, lagi akong nagjojoke.

"Oo eto na... Matagal ko ng nakita si Coleen. Pero hindi ko sya nakilala. Naalala mo nung umalis at nagbakasyon kami sa tagaytay dati?" tumango sya. "Dun ko sya nakita,napicturan ko sya gamit ang camera ko."

"O tapos?"

"Tapos na.." napakunot na naman yung noo nya sakin. "oo na oo na oo na. Matahimik ka lang." nagpause ako at bumuntong hininga bago pa ulit magsalita. "na love at first sight ako sa kanya.."

"Seryoso?" sinabi na nga, ayaw pa maniwala.

*Posadas Residence* - Alexia

"Oli!" tawag ko kay Oli, ng makita ko syang papasok na sa gate ng bahay nila. Inabangan ko talaga sya, dahil dun sa kwinento sakin ni Owy. Naaawa ako sa sitwasyon ni Oli, kaya kung hindi kayang sabihin ni Owy sa kanya ngayon kung anong mangyayari sa kanila bukas. Ako na mismo ang magsasabi nun kay Oli.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now