Chapter 27 - Anything for my Princess

3.4K 33 37
                                    

Chapter 27 - Cheska

Phew, nakakahiya talaga. Nakita ni Ully yung drawing ko ng mukha nya kanina. Pero hindi ko talaga magawang hindi sya idrawing eh, crush ko kasi si Ully since nung nagpunta kami sa Star City. Sya kasi yung lagi kong nakakausap. Hindi gaya ng ibang Chicser, mas nakakatuwa sya. Crush ko sana noon si Owy eh. Pero nung nalaman ko yung tungkol sa kanila ni Alexia nagbago yung isip at nararamdaman ko. Kaya nabuntong na lang kay Ully, bukod sa mabait naman sya. Gwapo din gaya ni Owy. Kaya nga nung naging classmate ko sya pati si Alexia, sobrang saya ko talaga. Tapos naging seatmate ko pa sya.

Pero nung kanina, nagulat na lang ako nung makita na yung drawing ko.

"Chi, pasok na maghahapunan na!" dinig kong tawag sakin ni Mama sa loob. Agad naman akong tumayo,nakita kong nasa likod ko na si Mama.

"Bakit parang yan at yan yung mukhang idinodrawing mo Chi, sino ba yan?" tanong sakin ni Mama.

"Ahh, wala po. Naiimagine ko lang." ngumiti na lang ako kay Mama, tsaka naman nya ako hinawakan sa braso.

"tara na. Mag-dinner na tayo."

"sige po. Isarado ko lang po yung pinto. Susunod na ko."

"oh sige." Umalis na rin naman si Mama pagkatapos nun isinarado ko na yung pinto. Akala ko nga nakita ko si Ully, pero siguro guni-guni ko lang yun. Sobra ko na yatang iniisip. Kaya kahit saan nakikita ko na sya. Tsk tsk.

Kinabukasan naman sa school ay hindi ko inaasahang makikita yun ni Ully.

"HINDI!!" nasigawan ko si Ully nung tinanong nya kung sya ba yung drinodrawing ko.

Nakakahiya talaga. Kapag sinabi kong sya yung drinodrawing ko, ano na lang yung sasabihin nya. Kaya ngayon hindi ko na sya magawang makausap ng matagal. Hindi na rin ako makatingin sa kanya ng diretso.

Tinakbuhan ko na lang sya, sobrang weird lang ng ginawa ko. Pero yun lang talaga naisip kong gawin eh. Inisip ko na lang baka makalimutan nya yung tungkol sa drawing na yun. Kaya iiiwas ko na lang sa kanya to. Tsaka hindi ko na muna sya idodrawing kapag nasa school.Last na muna yung ngayon. Tumakbo ako hanggang sa parking lot ng School. Nakita ko naman sina Alexia at Owy na palabas ng School. Mukhang masaya si Alexia. Buti pa sya.

Siguro babalik na lang ako mamaya sa classroom, baka sakaling umalis na din si Ully dun sa lugar na yun kanina.

*At MountWest Academy* - Abby

Nung nagmimeeting kami about sa group project, napansin kong tahimik at nakayuko lang si Ranz. Kahit seatmate ko sya, hindi naman nya ko kinakausap. Ngayon tuloy, nagdadalawang isip ako kung tototohanin nya yung promise nyang tutulungan nya kong hindi matuloy ang kasal namin ni Zayn.

Kaya nung nag-bell for lunch, hindi na ko nag-atubiling sundan sya at makausap.

Tinanong ko sya at sinabi kong naniniwala ako sa kanya na kaya nya kong tulungan. Pero bigla na lang nya kong niyakap.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ginawa ni Ranz yun. Pero mas gugustuhin ko nang, palagi na lang ganito. At least nakakasama ko sya, kahit hindi kami. Nararamdaman ko pa rin yung pag-aalala nya sakin.

*Villagracia Residence* - Alexia

"Oh iho, andyan ka pala. Ano yang mga pinabili nyo?" tanong samin ni Mommy, pagkapasok na pagkapasok pa lang naming ni Owybabe sa bahay ko.

"Wala Ma, mga gagamitin lang po para sa foundation day." Sagot ko naman habang inilalapag ni Owybabe yung mga binili namin sa mall. Mabuti na lang talaga at kasama ko itong prince charming ko eh.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now