Chapter 42 - Parting

1.4K 27 10
                                    

Chapter 42 - Coleen

"H-hello Kuya.." Nanginginig kong sagot kay Oli. Sobrang hiyang hiya ako sa kanya. Nakatingin ang lahat ng Chicser na para bang may pagdududa, awkward. "Goodluck lang sa inyo, y-yun lang.." Pinagpawisan ako sa kaba, una palang yan Coleen. First consequence ng desisyon mo. Pero eto naman ang tama di ba?

Tumalikod na ako sa kanila, at sumunod na si Chi sakin.

"Teka.." Hindi pa ko tuluyan nakakalabas ng pinto, narinig kong lumapit siya sakin.

"Group hug naman sa mga kapatid mo..?" Hindi siya nakangiti. "Tara kuya?" Seryoso na para bang nangaasar. Tinawag ni Oli si Owy, nakita kong napailing siya sa sinabing iyon ni Oli. Ibig sabihin, hindi rin siya sangayon sa kinikilos ni Oli ngayon.

"Sige na Coleen, mauna ka na. Thank you ulit." Nakatungo lang ako, ni hindi ko kayang tumingin ng deretso kay Oliver. Hinila ni Chi ang kamay ko at lumakad ng mabilis. Kaya naman paglabas namin ng pinto ay kumalabog ito.

"Coleen?!" Sigaw sakin ni Chi ng makalayo at tumigil kami sa hallway. Malakas ang tugtog sa covered court, kaya naman kailangan niya na rin sumigaw. "Hindi ikaw yan..." Malumanay nitong sabi, habang pahigpit na hawak sa mga kamay ko.

"Tingin mo ba gusto ko to'?" nagulat siya sa sinabi ko, kaya napabitaw siya sakin. Walang tao sa hallway ngayon, pero maingay pa din. "Tingin mo ba masaya ako?"

"Alam ko masaya ka, masaya ka sa kanya.. Pero, ang cold niyo sa isat isa. Coleen, dati pag kasama mo siya nakikita ko ang mga ngiti mo..pero ngay--."

"And you get it, alam mo na yung sitwasyon namin. Kaya I will never be happy anymore, Chi. ." Napahikbi ako. Saglit pa naramdaman kong may luha sa mata ko na agad ko namang pinahid.

"It's not true Coleen, nandito pa ko." Yinakap niya ko bigla na kadalasang hindi namin nagagawa. Hinagod niya ang likod ko dahil patuloy pa rin yung pagiyak ko.

"Ma..-mahal mo na ba si Oliver??"She asked stuttering.. Magkayakap pa rin kami.

Tumango ako at sinabing... "Oo, mahal ko na nga siya Chi..kaya nasasaktan ako ng ganito."sagot ko.

*Still at School* - Oliver

Yun lang ang gusto kong malaman. Napatikom ako ng bibig, sinenyasan ako ni Chi na umalis na sa harapan niya. Hindi alam ni Coleen na narinig ko ang sagot niya dahil sa magkayakap sila. Sinaktan ko si Coleen...at mahirap sakin yun dahil iyon naman ang pinili niya.

Pa hey sis hey sis pa ko, kung alam lang ni Kuya kung gaano kahirap yun eh. Sana di na lang niya pinigilan yung group hug, kahit huling beses man lang na mayakap ko siya.

Bumalik ako kina Kuya, naghahanda na sila. Suot na ang mga costume namin, at isang tshirt na binigay naman sakin na may tatak na letter C. Na part ng word na CHI_SER.

"Ibigay natin sa lucky girl, hawakan mo muna." Sabi ni Ully na nakangiti. Tinapik niya ang balikat ko at sinuotan ng cap ang ulo ko.

"Mga bro, pray muna." Aya ni Kuya. Kakapasok lang ni Ranz sa room, nakangiti ito. Buti pa siya masaya eh. "Tara Ranz." Pero nawala yung ngiti niya nung magsalubong ang tingin namin. Still awkward.

"Guide as Lord, wag niyo kaming pabayaan magkamali. Thank you for this another event. Amen."

"Amen! Go Chicser!" Sabay kaming naglayo layo, kinuha ang mga props. Narinig na namin si Alexia na nagsasalita sa stage. Nagpapalaro siya, yung iba Kj. Yung iba, nakikisali. May mga tumitingin samin, may mga nagtatangkang lumapit pero nahihiya. Okay lang naman asamin kasi schoolmate namin sila eh.

"Ver, tara na!" Aya sakin ni Kuya papuntang backstage.

*Still at School* - Biboy

Ang hirap palang lumayo, lalo na hindi naman niya alam kung bakit ako nagkakaganito sa kanya. Pero gusto ko to, gaano nga kaya ako kahalaga sa kanya?

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant