Chapter 50 - My Answer is Yes!

1.3K 18 3
                                    

Chapter 50 - Coleen

"love!"napalingon ako sa tawag na yun. SI Oli lang naman ang tatawag sakin nun. Buti na lang walang tao dito sa sala kundi ako lang. Tumabi sya sakin habang nakangiti,nginitian ko din naman sya.

"love..."nakakailang man sabihin pero tinawag ko sya nun. Sobrang laki ng ngiti nya nun, alam nya na kahit sandali lang to. Ineenjoy pa din nya ang nangyayari samin.

"gusto mong lumabas? Mag-star gazing tayo?" yaya nya sakin habang nakangiti.

"sige."

Lumabas nga kami, sa di kalayuan. Pumunta ulit kami dun kanina sa swing na inupuan namin kanina habang naghihintay ng dinner. Sandali lang din naman kami nakapag-usap kanina.

"dami palang fireflies dito.." tugon nya. Nakatingin kami sa mga fireflies, nagkukumpulan din sila sa ibang lugar kaya nagliliwanag din sila. Umihip ang malakas nahangin kaya napahawak din ako sa magkabilang braso ko. Nakalimutan kong magdala ng jacket. Nagulat na lang ako ng ilagay nya yung jacket nya sa balikat ko.

"Ok lang ako, kaya sayo na muna yung jacket ko." Tumingin ako sa kanya habang nakapatong ang dalawa nyang kamay sa magkabilang balikat ko.

"thank you.." he patted my head, like I'm just a little girl.

Bumalik sya sa pagkakaupo dun sa swing kanina, nakatingin lang ako sa kanya nun.

"tara.." iniabot nya ang kamay nya habang nakaupo dun sa swing.

Nag-alangan pa kong abutin yung kamay nya. Pero dahil nga, huli na to. I have to take this chance. Pra man lang dito maging masaya kami ni Oli.

Iniabot ko ang kamay ko sa kanya, at habang nakaupo kami sa swing magkahawak ang kamay namin.

"Sana hindi na matapos yung gabing to.." nalingon ako sa kanya, yumuko sya at nakita kong nawala ang mga ngiti nya kanina. "kasi alam kong bukas, makalawa, o sa ibang araw. Hindi na ko magiging masaya ng ganito.." tumingin naman sya sakin sa pagkakataong yun. "Coleen,hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na to. At yung mga araw na naging magbestfriends tayo. Hinding-hindi ko makakalimutan lahat yun."

Speechless naman ako sa mga sinasabing yun ni Oli. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

"Siguro nga tama ka sa sinabi mo noon." Nakatitig lang kami sa isa't-isa nun. I was teary eyed, pero hindi nya siguro napapansin dahil madilim nga. "Ibalik na lang natin ang kung anong meron tayo dati."

"like bestfriends?" tanong ko sa kanya,

"yes, like the usual.." he smiled.

Pakiramdam ko, tanggap na talaga nya.

We can't be together as lovers, but we can still be friends together with our family.

"Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you is beyond my control. This is all what I thought the first time I met you Coleen." Napahinto sya at huminga ng malalim."But now, I already understand everything." Ngumiti sya ulit.

"Fate leads us here, and we have to accept it."

Acceptance... siguro, yun nga. Yun ang kailangan namin dalawa.

Ngumiti ako sa kanya, napigilan ko ding lumuha sa harapan nya dahil medyo lumuwag na yung pakiramdam ko. Magaan na rin yung nararamdam ko..

Tumango ako sa kanya at tumayo naman sya. Tumayo na rin ako, ngunit hawak pa rin namin ang kamay ng isa't-isa.

"I love you Coleen.." dahan-dahan syang yumakap sakin. Ipinatong nya yung chin nya sa ulo ko.

Ang totoo takot pa rin akong sabihin kay Oliver ang mga salitang yun... Pero hindi ko na siguro napigilan..

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now