Chapter 59 - Left Alone

1.1K 24 11
                                    

Chapter 59 – Chi

Sa sobrang kainisan ko kay Ully noong klase, naibuhos ko sa teacher ko sa Physics. Paano, sabayan ba naman ng isang surprise quiz at dahil may humiram ng calculator ko outstanding ovation ako ngayon kasama tong mokong na si Ully.

"Woooh, buti na lang ang hangin dito sa labas Chi noh?" Tumingin ako sa kanya, pero nakasteady lang ang katawan ko. Cool na cool pa rin and dating niya kahit napalabas kami. Tss.

"Imba, lakas makatitig.Haha!" Inirapan ko siya pagkatapos at tsaka sinuntok ang braso niya ng malakas.

"Wow bakit mo ko kinakalabit?" napasimangot na lang ako ng sabihin nya yun. "Pipi ka na ngayon Chi? Gusto mo turuan kita magsalita?" Sabay tahimik ng paligid at ihip ng hangin. Nakatingin lang ako sa kanya, at siya rin sakin. Parehas din kami ng pwesto na nakapatong sa bakal sa veranda ng hallway ng building namin.

"Lakas makatelenovela! Magsalita ka na kasi!" Bigla na lang niyang tinusok ang noo ko at tsaka itinulak yon ng bahagya. Nakaramdam na lang ako bigla ng init, feeling ko tuloy pinagpawisan ako.

"Ipagpatawad mo, minahal kita agad. Binibini ko, sanay maintindihan. Alam kong ngayon lang tayo nagkatagpo. Ngunit para ng sayo ayaw ng lumayooo."

"Tama na, baka umulan." Tumawa siya bigla. Tinanggal ko na lang ang tingin ko sa kanya at lihim na ngumiti. Nakakatawa kasi yung kanta niya eh, pero magaling naman talaga siyang kumanta.

"Bakit ganyan ka? Maganda naman boses ko ah? Uy....papansinin na ko ni Chiiii. Bati na tayo, tsaka aaminin ko sayo. Nagustuhan ko nga si Coleen." Yan na naman siya.. "Pero mukhang hanggang dun lang yun. Tsaka isa pa, kung ligawan ko siya. At syempre sasagutin niya ko, gwapo ko kaya!"

"San banda ba?"

"Wag kang Kj! Haha. Eh yun nga, ayaw kong isipin na para siyang laruan... Para kasing ang pangit ng tignan sa barkada. Naging sila ni Ranz, ewan ko kung anong meron sa kanila ni Oliver. Kaya narealize ko, for good. Alam ko na yung tama o mali sa paningin ng tao."

"Oo nga, so?" Sagot ko. Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.

"Anong ikinagagalit mo sakin?"

"Hindi ako galit." Tsaka lang ako tumingin sa kanya at ngumiti. Pagtingin ko napangiti rin siya sakin at pumorma porma na feeling pogi.

Kumuha siya ng ballpen sa bulsa niya at may sinulat sa magkabilang palad niya. "Ano yan?" Tanong ko ng bigla niyang itaas ang dalawang kamay niya.

"Pili ka.."

Ako naman hindi na nagtanong, pero syempre nagtataka ako kung anong nakasulat doon. Hindi ko nga maintindihan sarili ko eh, dapat nilalayuan ko na siya. Kagaya ng promise namin ng pinsan ko, si Alexia na kahit isang buwan lang at least nakapagunwined kami.

"Kanan.."

Unti unti niyang binuka yung kamay niya, ngumisi siya sakin at pagkatapos hinarap ang palad niya sakin.

"Yes!" Yung word na nakalagay sa palad niya.

"A-ano yan?? Anong ibig sabihin ng Yes?"

"Yes, ano ba.." Bigla na lang siyang tumalikod sakin at pinatong ang dalawang kamay niya sa batok. Napafacepalm ako. "Ano lang, magiging close na ulit tayo gaya ng dati." Casual na sagot niya kasabay na pagharap niya sakin.

"Di naman tayo close eh." Bara ko.

"O sige friends na lang..Friends?" Nilahad niya ang kamay niya sakin. Parang feeling ko ngayon lang kami nagkakilala.

Hindi ko iyon inabot, sa halip tinapik ko iyon ng magkabilang palad ng kanang kamay ko sabay close fist. Nagtaka naman siya bigla.

Hindi naman sa ayaw kong hawakan ang kamay niya....pero.. Awkward.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now