Chapter 11 - Had Fun

4.6K 41 32
                                    

Chapter 11 - Ully

"Hoy Ully! 'wag mo nga akong pinaglololoko, alam mo namang hindi pa ko nagkaka-girlfriend. Ako pa tatanungin mo?!" umupo si Biboy sa couch sabay bato sakin ng unan na nasa sofa.

Lakas trip ko no? Tanungin, pa daw ba sya? Eh sya nga itong wala pang experience. Tinanong ko lang naman yun, kasi, baka dahil dun. Hindi pa sya nagkaka-girlfriend. Baka dahil, hindi sya marunong manligaw?

Ihinagis ko naman pabalik yung unan sa kanya.. Ayun!Sapul na sapul sa mukha.

"Teka -teka- seryoso? Di mo nga alam kung pano?" tanong nya habang nakatakip ang unan sa mukha nya at mata nya lang ang kita.

Hala naniwala?

Oh sige pagbigyan, tutal uto-uto.

"Oo eh-" nagbuntong hininga ako at umupo sa tabi nya para binuksan ang tv nila. Bigla namang hinablot sakin ni Biboy yung remote kaya napatingin na lang ako ng masama sa kanya.

"Gabi na,baka magising sa Baby Beige.." Oo nga pala, may baby sister nga pala si Biboy. Ang layo ng pagitan nila no? Pero okay na din yun, dating loner kasi itong si Biboy. Dahil one and only daughter- eh este. SON.

Ako nga lang nagtiyaga dito na makipagkaibigan eh,loner kasi at dati kasi tong.. alam nyo na.

Binu-BULLY.

At isa na ko sa mga nangbubully sa kanya, peronoon yon syempre. Good Boy na ko ngayon e.

"Sensya, nalimutan ko lang." sabay tingin ko naman dun sa pader nila at nakita ko ang isang picture ng isang cute na babae.

"Hoy Ully, trip mo ko no? Anong hindi ka marunong manligaw? Eh nagka-girlfriend ka na?"

"Yung crush ko nga nung second year tayo naging girlfriend mo."

"Hindi na nga lang ako nagsalita nun dahil akala ko seryoso ka sa kanya.."

"Tapos malalaman ko na 1week lang ang relationship nyo."

"May toyo ka din ano?"

"Lokohin mo lelang mo.."

"Uy Ully!" Nagulat na lang ako ng hampasin nya ko ng unan sa ulo.

"aray ko naman." Napakamot na lang ako sa ulo, at inaayos ayos ko pa ang long hair kong buhok.

"Anong bang tinititigan mo dyan?Kanina pa ko nagsasalita ah." napatingin ako ng masama sa kanya.

Hindi ba obvious na tinititigan ko yung picture sa pader?

"Sino yung katabi mo sa picture?.." sabay turo ko naman sa pader,este sa picture frame. "bago yun ah. Ngayon ko lang nakita.."

"Malamang, ngayon mo lang talaga makikita.." tumayo naman sya at lumapit sa frame. "Kaya nga bago di ba?"

"H'wag ka ngang pilosopo dyan Biboy." nilapitan ko naman sya.

"ahh girlfriend ko.. si Irish" nakangiting sabi pa nya.

Ano daw?tama ba dinig ko?

"GIRLFRIEND KA DYAN?!" sigaw ko at kinaltukan ko pa sya.

"Kailangang mambatok ganon?" napahimas naman sya sa ulo nya. "at tsaka hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Ibig kong sabihin. Kaibigang babae."

"ahhhh..." kala ko eh. Ang cute pa naman nung girl, tapos-

"yan kasi, masyado advance yung pag-iisip mo."

"Lilinawin mo kase." napahawak naman ako sa chin ko at napaisip. "San sya ngayon?" tinging masama sakin ni Biboy matapos kong itanong yun.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now