Chapter 68 - Matter of Love

1.1K 24 4
                                    

Chapter 68 – Coleen

Tahimik akong umiiyak habang nakatitig sa side mirror ng kotse habang pinapaandar ito ni Papa. Di ko na rin naisipang gumamit ng panyo dahil ayaw tumigil dibdib ko sa paghikbi. Bago pa man kami sumakay sa kotse kanina ni Papa ay sorry na ko sorry sa kanya, pero pinasakay lang nya ako at simula nun. Wala na syang sinabi pa.

"Coleen, were here..." napansin ko na lang na inihinto na ni Papa yung kotse at nakita kong nasa garahe na pala kami. Sa sobrang blurred siguro ng paningin ko ngayon, hindi ko na napansin ang mga dinaanan namin. Bumaba na lang ako habang pinipilit ang sarili kong wag umiyak..

Sumunod lang naman ako kay Papa ng pumasok sya sa loob ng bahay. Wala pa rin syang sinasabi hanggang sa huminto na lang sya sa sala.

"Coleen...sya ba yung tinutukoy mo?yung lalaking manliligaw mo? Yung lalaking gusto mo?" sa sinabi ni Papa, napaluha na lang ulit ako. Ayoko ng magsinungaling pa, kaya tumango na lang ako.

"P- Papa.. So- Sorry po. Hi- hindi po namin alam ni Oli." Humihikbing sabi ko kay Papa. Tumungo na lang ako dahil ayokong makita ang nagagalit nyang mukha. Natatakot ako sa mangyayari samin ni Oli, lalo na sa mangyayari sa kanila ngayon ni Tita Ivy.

Pag hindi natuloy ang kasal nila, kasalanan namin yung dalawa ni Oli..

"Coleen?? Bakit si Lance pa? Bakit ang anak pa ni Ivy?" lumapit si papa sakin at humawak sa magkabilang braso ko. "anak, bakit naman sya pa???" ramdam kong nangigigil na boses ni Papa.

"Pa- Papa.. Hi- hindi namin alam...Si- sinubukan naming i- itago to. Pe- pero, ma- mahal talaga namin ni O- Oli ang isa't-isa.." patuloy naman ako sa pagpahid ng luha ko habang humihikbi. Hindi ako makatingin kay Papa. I lied to much, simula pa lang nung kay Ranz. Pakiramdam ko ang sama-sama ko.

"Please.... Please stop crying.." yumakap sakin si Papa habang hinahagod-hagod ang likod ko. Galit man sya ngayon, pero ayaw pa rin nyang nakikita akong umiiyak..

Pinatahan lang ako ni Papa at pinaakyat sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ng magiging desisyon nya ngayon. Pero umaasa pa rin ako na hahayaan kami ni Papa at ni Tita Ivy na magkasama pa rin ni Oli. I know mga bata pa kami. We're just teenagers' maybe, pero mahal ang isa't-isa.

Kinatok ako ni Yaya dahil dinner na daw, at tinatawag na rin ako ni Papa. Inayos ko lang ang itsura ko at tsaka ako bumaba papunta sa dining room. Nagkatinginan lang kami ni Papa, tsaka ako umupo sa tabi nya. We had the usual dinner, pero ngayon lang nangyari yung hindi kami nag-uusap habang kumakain kami.

Dahil wala rin namn akong gana, kaunti lang ang nakain ko.

"Pa, tapos na po akong kumain." Tumayo na ko sa kinakaupuan ko.

"Wait, Coleen." Napalingon naman ako kay Papa.

"Bakit po?" maiksing tanong ko.

"Can I have your phone for a while?" nagulat ako sa itinanong ni Papa. I want to say no, pero hindi ko kayang tumanggi na sa kanya ngayon.

Kinuha ko yung cellphone ko na nakalagay lang sa pants ko. Napatitig pa ko sa keychain na nakasabit sa phone ko.

"Please Coleen?" napatingin ako kay Papa. Gusto kong maluha sa mga oras na yun, pero ayoko ng makita nyang umiiyak ako. Tinignan ko lang ulit ang phone ko at tuluyan ko ng ibinigay kay Papa. "thank you.." napa-lipbite na lang ako at tumango ako sa kanya. Dumertso na lang ako sa kwarto ko. I don't know kung pano ko pa macocontact si Oli. Hindi ko rin alam kung magkikita pa kami.

*At Posadas Residence* - Oliver

"Ma..Coleen and I. Mahal namin ang isa't-isa. Matagal na.." hindi na ko nakapagpaalam sa ibang Chicser dahil pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yun. Nasampal na lang akong bigla ni Mommy. Nagulat ako ng ginawa nya yun sakin. Hindi pa nya ko nasasampal sa tanang buhay ko. At nung magawa nya yun kanina sakin, sobrang guilt ang naramdaman ko...

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now