Chapter 29 - Decisions

3K 27 20
                                    

Chapter 29 – Cav

Kinabukasan libing na ni Lolo, nakakalungkot pero mamimiss ko siya. Ngayon, magdamag kaming gising nina Kate at Ully, si Hazel kasi, bawal masyadong magpuyat. Pero kadalasan ng tao ngayon eh, mulat pa at akalain mong uso na rin ang videoke dito samin. Gusto ko nga sanang ipatanggal yung videoke, kaso nandyan na yan eh, nagkakatuwaan na sila. Kesa naman maging malungkot diba?

Nakita ko naman sina Papa at Mama, magkalapit sila dun sa tapat namin. Binurol lang din sa bahay ang labi ni Lolo, as in kagaya sa ibang bahay, sa bahay mismo nila. Isa lang naman ang nagbabantay sa kanila eh, si Tita. Byuda, pero may isang anak ding lalaki. Hindi ko naman naging kaclose yung lalaki, dahil madalang ko lang din makausap nung bata kami.

Nasa isang upuan kami, nakahiga si Hazel sa lap ko.

"Haayyy." Nakita kong humikab si Ully. 10pm palang naman, pero ako ata di tablan ng antok. Gusto ko pang bantayan si Lolo, kahit na marami namang taong nagbabantay sa kanya, wala na din kasi si Lola.

"Pst Ully." Umiinom sya nung kape at teka nga? Magkalapit na naman sila ni Kate ? Anong meron?

"Oh." Mahina niyang sagot pero hindi nakatingin sakin, pero nakahilig ng konti yung ulo niya.

"Matulog ka na muna, inaantok ka na e." sabi ko. Pero di man lang siya lumingon instead tinuro niya yung katabi niya.

"Natutulog na naman sa balikat ko." Sabi niya ng pasigaw na bulong.

"Sus, kinikilig ka naman?" Bulong ko pa din. Actually nasa may kanan ko siya, kaya di ko masyadong pansin yung katabi niya.

"Tss.. Manahimik ka nga, natutulog yung tao." Sabi niya sabay pikit na lang.

Napaisip tuloy ako kung anong tingin nya kay Kate, Hindi kaya may gusto sya kay Kate?

*Before the recent happening* - Coleen

Wala naman kaming dialogue, pero masyado kong na feel yung wedding scene nina Ranz at Abby, as Jose Rizal and Josephine Bracken. Ako kapatid lang, nakangiti sila sa isa't-isa. Bakit parang biglang nakakaramdam na lang ako ng guilt...instead na selos,parang pampasira ako sa relasyon nila.

Pero Coleen...nakaraan na naman yun eh...di ba ang mas mahalaga naman ngayon.

Nung yinaya kami ng Mommy ni Ranz magdinner eh, syempre di kami nakatanggi. Halos mag 6:30 na ata kami natapos, tapos pagtutulungan pa ni Biboy at Takehumi yung editing. Boses naman ni Oliver yung nagkekwento. Wow lang, may naitulong ba ko?

"Alam mo Abby, eh bukam bibig ka nyang si Ranz dati noon, kapag dinner namin." Napatingin naman ako sa Mommy ni Ranz, nakangiti siya kay Abby habang nilalagyan niya ito ng juice.

"Ako na po Tita." Insist ni Abby.

"Ay naku, Alam nyo ba." Pasimula ni Chelseah. "Etong si Kuya Ranz at Abby, eh ang sweet sweet dati. Alam mo yun diba nga Kuya Biboy, Kuya Oliver?" Nakita ko namang, tumango lang yung dalawa. Tumingin lang ako kay Ranz, pero di niya pinapansin yung sinasabi ng kapatid niya. Kumakain lang sya. Ang awkward naman nito.

"Tama, eh bakit ngayon kuya Ranz, kayo pa din naman diba?" Bigla ko na lang nailaglag yung kutsara ko sa sinabi ni Tita.

"So-Sorry po Tita.." Pinulot ko yung kutsara ko pero

"Okay lang , ay anak ibigay mo na lang kay Yaya...Yaya! pakikuha nga ako ng isang pang kutsara." Sigaw ng Mommy ni Ranz dun sa kusina. Buti na lang ang bait ng Mommy niya.

Pero center of attraction lang naman ako. Nakatingin ang mga taong may alam nung relationship namin ni Ranz, siguro alam din nila kung ano yung nararamdaman ko. Si Oliver, Si Biboy, ewan ko pero pati si Irish eh.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now