Chapter 39 - Revelations

1.7K 31 22
                                    

Chapter 39 - Coleen

"Oli" paulit-ulit na tawag ko kay Oli. Nakita ko kasi syang nakatungo sa isa sa mga lamesa sa park.

"Coleen.." para ba syang umuungol at naririnig kong binabanggit nya yung pangalan ko habang tulog. Nalate kasi ako ng isang oras dahil kay Daddy. Nagpa-intay ba naman at ihahatid nya daw ako. Gusto na din daw nyang makilala yung lalaking manliligaw sakin. Ayun, hindi naman sya bumaba ng kotse kasi may urgent meeting daw bigla sa kumpanya.

"Oli,gising.." hindi na ko nakapagpigil at niyugyog ko na rin yung braso nya. Di kasi magising sa tawag ko eh. Ang lalim pa lang matulog nito. Pero ang cute nyang mag-sleep talk. Ang amo-amo ng mukha.

"Oli!" nakita ko ang biglaang pagmulat ng mga mata nya. Napatayo rin sya sa kinauupuan nya nung makita nya ko.

"Coleen!" pagsigaw nya.

"Oli, sorry na-" di ko pa natatapos ang sasabihin ko, bigla na lang nya kong niyakap. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Parang may kung anong spark yung naramdaman ko.

Bakit nya ko niyakap?

"Coleen!Ang saya-saya ko!Salamat!Salamat talaga!" pagsigaw nya habang nakayakap sakin.

"Oli?Salamat saan?" humiwalay ng dahan-dahan sakin. Nakita ko ang pagkunot ng noo nya. "hmm.. Oli, sorry nalate ako. Kanina ka pa ba dyan?Nakatulog ka na yata sa paghihintay sakin.Sorry ulit" napabitaw naman bigla sya sa braso ko.

"nakatulog?Ako? tulog?"

"huh?" clueless na clueless ako. Ano ba yung sinasabi nya?

"ARG!Oli ano ba?! Panaginip yun!" ginulo nya yun buhok nya at tinakpan pati ang mukha nya. "Coleen Sorry, kala ko nananaginip pa din ako.Di ko sinasadyang yakapin ka. Nakakahiya. Sorry talaga!" yumuko yuko pa sya nun sakin.

"Okay lang yun Oli, isipin mo na lang fair na tayo. Nalate ako ng isang oras eh.." I bit my lower lip.

"ahhh. Sige sige.." napalingon sya dun sa kinauupuan nya kanina. "ah.. upo muna tayo tara.." pag-anyaya nya.

"Sige."magkatapat ang upuan namin.

Nakatingin lang sakin si Oli nun, ng simulang nyang magsalita.

"ahh. Uhmm. Coleen.." pinutol ko naman agad ang sasabihin nya.

"Oli..." natahimik naman sya. Medyo naiilang ako ngayong nakatitig lang sya ng matagal sakin. Pakiramdam ko matutunaw ako. Ang weird ng pakiramdam ko. Di ko alam kung naeexcite ba ko?Kung Masaya ba ko?O kung natatakot ako sa pwedeng kalabasan nitong desisyon ko. "Oli, payag na ko.."

"huh?"

"Payag na ko Oli."

Napakunot naman ang mga noo nya. Di pa yata nya magets yung sinasabi ko. Ano ba yan, nahihiya na ko.

"Oli, napag-isipan ko na yung sinabi mo kahapon.Bibigyan kita ng pagkakataon para ligawan ako. " pagkatapos nun ngumiti lang ako sa kanya.

Nakatitig lang talaga sakin si Oli. Tsaka sya biglang tumayo at tinalikuran ako. Nag-step forward sya ng tatlong beses palayo sakin. Tsaka sya tumigil.

"WOOOOOOOH!!!!!! Pumayag ng magpaligaw si Coleen!!!WOOOOOH!" OLI!!!!

Napatayo na lang ako sa kinauupuan ko, para pigilan sya sa pagsigaw sigaw nya.

"Coleen!Pwede ba kitang yakapin?" hindi na rin naman ako makantanggi.

Basta ang alam ko, niyakap na lang nya ko at napangiti ako.

*At Mini-Stop* - Biboy

Nandito kami ngayon ni Ully sa Mini-Stop na pinagtratrabahuhan ni Irish. Galing kasi kaming simabahan. Nagsimba kaming dalawa.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now