Chapter 55 - Never Ever

1.1K 19 5
                                    

Chapter 55 – Hazel

Habang nakatingin ako ngayon sa dibdib ko, na may mahabang tahi na inopera sakin kahapon. Hindi ko maiwasang maluha at isipin si Kate. It feels like, na ako ang may kasalanan kung bakit wala na sya sa mundo. Kasalanan kong lahat. Dahil na rin siguro sa pag-iyak ko at sa pagod ay nakatulog na din ako. At dun lang nagflashback sakin lahat ng mga nangyari kung bakit napunta sa puntong ito.

"Ma, bibili lang po ako ng strawberry taho sa kabilang daan. " pagpapaalam ko kay Mama. Habang namimili sila ng mga kung ano-anong bagay dun sa palengke.

"ate, samahan na kita.." pagsa-suggest sakin ni Kate habang nakangiti.

"Oo nga naman Hazel, samahan mo na Kate. Baka kung mapano pa yang ate mo." Haist. Sa tingin ko naman kaya ko.

"Ma, okay lang po ako no!" nakangiti kong sabi. "wala naman po akong nararamdaman na masakit sakin. Tsaka sa kabilang daan lang naman po eh. Kayo talaga eh." Nakasimangot kong sabi. Totoo naman yung mga sinabi ko. Wala naman akong nararamdamang sakit sa dibdib ko at hindi rin naman ako nanghihina. Maganda ang simoy ng hangin at malamig dito sa baguio. Kaya siguro ganito kaginhawa ang pakiramdam ko.

"Sigurado ka ate? Baka hindi mo kaya ah, ako na lang kaya ang bumili para sayo?" suggestion ulit ni Kate sakin. Nakikita ko din naman ang pag-aalala nya.

"Wag na kate, ipili mo na lang si Kuya CAV mo ng pasalubong. Sigurdong matutuwa yun kung galing sayo." Nakangiti kong sabi sa kanya habang nakahawak ako sa magkabilang braso nya.

"sigurado ka?" napapangiti nyang sabi.

"Oo naman!" pinisil ko yung pisngi nya tsaka ko naman sya tinalikuran at tumingin kay Mama. "sige po Ma." Tatawid lang naman ako sa kabilang daan para bumili nun. Hindi ko pa din kasi yun natitikman kaya nacurious ako sa lasa. Malapit n asana akong makatawid sa kabilang daan ng makarinig ako ng malakas na busina.

"ATE!!!!!"

Napalingon ako sa direksyon ko kanina, at nakita kong patakbong lumapit sakin si Kate para itulak ako. Pagkatapos nun, wala na kong naaalala pa. Sa pagkakaalam ko na lang nakita kong nakahiga si Kate sa kabilang higaan habang itinutulak ang hinihigaan namin. Pilit kong inaabot ang kamay nya at ng maabot ko ito. Bigla na lang akong nagising sa isang malalim na panaginip na yun.

"Hazel anak." Dinig kong boses ni mama. "mabuti naman at nagising ka na ulit." Blurred pa din ang paningin ko, pero nakita ko pa rin ang namumugtong na mga mata ni Mama. Siguro'y walang sawa din syang umiyak dahil sa nangyari. Lumapit sya sakin at humawak sa ulo ko, nakita kong nakaitim na polo shirt sya.

"M- Ma. S- Si Papa?" tanong ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa mga mata ko. Umiiyak pala ako habang natutulog.

"Nasa funeral ang Papa mo. Inaayos nila ang burol ng kapatid mo." Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Kaya kahit na, kausap ko lang ngayon si Mama. Hindi ko mapigilang umiyak. I just can't handle the pain. Kahit na mas maagaan na ang pakiramdam ko ngayon dahil sa puso ni Kate na ngayon ay nasa akin na.

"M- Ma, bakit kailangan mangyari to kay Kate!?" humahagulgol kong iyak. Niyakap ako ni Mama

"Hazel anak, tahan na. Kailangan mo pang magpahinga. Sabi ng doctor, bawal kang mapagod at mastress. " kalmadong sabi ni Mama. Pero alam ko na habang yakap nya ko ay umiiyak din sya. "Hazel.."

"Ma- Ma.." paghikbi ko. "ka- kasalanan k- ko kung bakit nawala si Kate." Lalo pang humigpit ang yakap sakin ni Mama. "Kasalanan kong lahat Ma! Dapat ako yung namatay at hindi sya!" patuloy lang sa pag-agos ang luha ko, hindi ko na pinapansin kung gaano kahirap ang paghikbi ko.

"wala kang kasalanan anak.." hinagod hagod ni Mama ang likod ko. "aksidente ang lahat. Wala kang ginawa.. Wag mong sisihin ang sarili mo.." patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora