Chapter 9 - Kate

4.9K 51 16
                                    

Chapter 9 – Cav

"Ang tagal naman nun.. tsk" Napatingin ako sa wrist watch ko. Halos 20 minutes kasi akong nag-iintay dito sa mini-stop. Sayang yung oras ko, dapat nagpra-practice ako ngayon kasama ang Chicser eh. Matapos ng ilang minute pa ay dumating na din sya.Nakita ko syang papasok sa glass door ng mini stop. Malapit lang ako doon kaya kaagad ko syang nakilala.

"Kuya Cav, sorry late ako. Dumaan pa kasi ako ng ospital eh.." umupo sya sa upuan sa tapat ko.

"Ok lang Kate, ang ate mo kumusta na?" tinutukoy ko ang ate nyang si Hazel.

"Hanggang ngayon pala, sobrang concern ka pa rin kay ate. You don't even ask me first,kung okay lang ba ako?" napakunot naman ako ng noo sa sinabi nyang yun. Si Hazel ang may sakit, bakit ko sya kakamustahin kung nakikita kong okay naman sya?

"Your sister is sick. Uunahin pa ba kitang tanungin kung okay ka lang?" hindi ko talaga nagustuhan ang sinabi nyang yun kanina...

Natahimik naman sya.

"Okay na si Ate, she's on recovery room right now.." mabuti naman at okay na si Hazel. May sakit kasi sa puso si Hazel at madalas ang pabalik-balik nya sa ospital dahil sa sakit nya.

"Ikaw kuya CAV? How's life?without my sister?"

Iniinis na naman ako nitong si Kate. Para kasi sa kaalaman nyo. Bestfriend ko si Hazel since first grade. Pero simula nung second year high school ako. I wasn't able to see her.

Kase, nagtapat ako sa kanya. Oo, I was inlove with her. Simula pa nung mga bata pa kami.Pero nung nagtapat ako sa kanya. Ito lang ang sinabi nya.

( "I'm sorry CAV. Hindi ako pwedeng magmahal.." )

Sobrang sakit nung una, lalo na dahil sya ang kauna-unahang babae na bumasted sakin sa tanang buhay ko.

The Coolest guy in town, ay nabasted na pala.

"Kate, bestfriend ko si Haz—" pinutol nya ang pagsasalita ko.

"Pero mahal mo sya di ba?" mariing tanong nya.

"Hindi nya ko mahal.." agad kong sagot sa kanya.

"Sinabi nya ba?" napakunot ako ng noo sa sinabing yun ni Kate.

Hazel did not tell me that she loves me. Ang tanging sinabi lang nya, ay hindi sya pwedeng magmahal.

"Hindi di ba?" tumingin si Kate ng diretso sakin. "May sakit si Ate, alam nyang sa lahat ng oras may possibility na lang na bigla syang mawala.."

"Kaya bilang bestfriend nya,bakit mo sya iniwan Kuya Cav?"

"Hindi ko sya iniwan.." napayuko na lang ako non. Sobra akong nasaktan, kaya ang nagawa ko eh lumayo sa kanya. I didn't know na iyun na pala yung dating non kay Kate lalong-lalo na kay Hazel.

"Iniwan mo sya!" sigaw ni Kate. At napatingin naman lahat ng nasa loob ng mini stop.

Napalingon si Kate sa paligid at ng mapansin na nakatingin na sa kanya ang lahat ng tao sa loob.

"I gotta go. Salamat sa time Kuya Cav." Kinuha nya yung shoulder bag nya at agad ay lumabas sya sa Mini stop.

She left me with a question in my mind, iniwan ko ba talaga si Hazel?

*Street* - Ranz

Hindi ko inaasahan na si Oli mismo ang magyayaya ng GT namin sa Sabado. SIguro gusto na rin nyang mawala yung ilangan naming sa isa't-isa.

Siguro kakalimutan ko na rin yung tungkol kay Coleen. Hindi dapat ako naghihinala na may gusto sya kay Coleen Dahil gaya ng sinabi nya.

He will never like her.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now