Chapter 69 - Is this the End?

1.7K 21 5
                                    

Chapter 69 – Oliver

Umalis ako gamit ang bike ko para puntahan si Tito Gino. Nasa kalsada na ako pero puno pa rin naman ng ilaw sa mga dinaraanan ko. Medyo umaambon din kaya nagsuot rin ako ng jacket na may hood. Kakaunti na rin ang sasakyan na dumadaan dahil sobrang gabi na. Mahigit 15 minutes ang ipepedal ko para makapunta sa kanila.

Nakarating ako sa kanto na malapit sa subdivision nina Coleen. Nagulat na lang ako ng maaninag ko si sya na nasa antayan na jeep. Inihinto ko kaagad yung bisikleta ko malapit sa likod nya at ipinarada ko sa tabi.

"Coleen!" tawag ko sa kanya habang nasa malayo pa ko at agad naman syang napalingon sakin.

Inaninag naman nya ko mula sa kinaroroonan ko. Unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang sa di ko inaasahan na tatakbo sya papalapit para yakapin ako.

"O- Oli.." may pahikbing tawag nya sa pangalan ko. "Oliver..." humawak ako sa likod nya.

"A-Anong ginagawa mo dito Coleen??" patuloy pa rin syang humihikbi habang nakayakap sakin. "Co—"

"O- Oliver, gu- gusto kitang ma- makita." Patuloy ako sa paghikbi. "gu- gusto kong ma- malaman mong mahal kita. Ku- Kung sakali mang, di- di na tayo magkita.." napatulala na lang akong bigla sa sinabi nya. Pano nga kung mangyari yun?

"Coleen.." di ko na rin namalayan ang pagpatak ng ulan.. "mahal din kita.."

"Handa ako." Hinawakan niya ang kamay ko ng papahigpit, ganun din ako sa kanya. Tumango kami sa isa't-isa.

"Let's go...somewhere." Sabi ko. Kinuha ko ang bike na dala ko at sumakay ako, inangkas ko naman siya sa unahan. Pumedal ako ng hindi alam kung saan ang pupuntahan. Humihina na rin naman ang ulan at medyo kalaban namin ang dilim sa paligid. Pinili ko ang mataong lugar at pwedeng puntahan na public transport.

"Tara.." Humawak siya sa kaliwang kamay ko habang hawak ko naman ang bike ko sa kanan. Dumeretso kami sa bilihan ng ticket pero nakita kong papasarado na ito. Hinawi ko ang basa kong buhok at tinawag ang babae sa loob.

"Ate, ate.." Medyo malakas kong tawag. Tumingin naman siya na tila kukunin na lang ang gamit para lumabas. "Ay kuya 10:05 pm na po, sarado na po kami." Nawalan ako bigla ng pag-asa. Tumingin ako kay Coleen at nararamdaman kong ginaw na ginaw na siya.

"Ate sige na naman oh, tren na lang yung pag-asa namin para makauwi ng bahay." Pagsisinungaling ko. Tumingin siya kay Coleen at tila naawa, pero nagdadalawang isip dahil magkahawak kami ng kamay.

"Sorry po kuya ah..6am na po kasi yung next na bukas." Napalipbite ako. Lumabas na siya ng ticket booth pero nakita kong may nakasalubong siyang isang lolo and lola.

Hinintay ko siyang lumapit, alam ko may pag-asa pa kaming makalayo kahit ngayon.

"Maraming salamat iha ha?" Sabi ng lolo na papalapit sa amin. Tumingin ako sa babae na tila may hiya na ng tignan ako.

"Kuya, kayo saan ang punta?" tanong samin ni ate.

"Pareho kina Lolo?"

"Kung papayag kayo, malapit lang dito sa istasyon ng tren ang bahay ko. Papatuluyin ko muna kayo nina lolo sa bahay ko.." Napatingin na lang ako kay Coleen. "At isa pa, kayong dalawa. Basang-basa kayo ng ulan,baka magkasakit kayo nyan. Para na rin makapagpalit na kayo. Kung payag kayo, mag-isa lang naman ako sa bahay eh. Kaso maliit lang yun. Okay lang ba sa inyo?" tumango naman si Coleen sakin. Nakahawak pa rin sya nun sa braso ko. Mukhang nilalamig na rin sya.

"Sige po ate." Tumango ako sa kanya. "salamat po ah.."

Tumila na rin ang ulan ng nakarating kami sa bahay nung ate na nagyaya samin. Tama nga sya, sa isang squatters area malapit sa train station kami pumunta at di nga kalakihan ang bahay nya gaya ng sinabi nya. Pinatuloy nya din sina Lola at lolo at pinapasok sa kwarto nya. Samantalang kami ni Coleen ang naiwan sa sala. Inabutan kami ni Ate ng tshirt na pwede naming ipangpalit. Pasalamat naman ng pasalamat si Coleen, sa totoo lang nahihiya ako sa kanya sa sitwasyon namin ngayon. Di ko man lang sya nadala sa isang mas maayos na lugar para makapagpalit sya.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now