Chapter 64 - Confusion

1K 18 18
                                    

Chapter 64 – Ivy

Dumeretso na kami sa bahay at sa tagal ng byahe ay nakatulog na rin ako. Hindi ko na naitext sina Lance at Louis na uuwi na kami. Naramdaman ko na lang na ginigising ako ni Gino.

"Dear, bakit?" tanong ko ng mamulat na ako.

"Dear, naaalala mo yung tanong ko?"

"About what?"

"About Coleen and Lance, close na close na sila. Tignan mo." Tumingin naman ako sa itaas at nakita ko magkalapit ang dalawa at nagkukulitan.

"I think there's nothing wrong with them, maybe they were just so close at mas maganda yun na hindi na sila mahihirapang magadjust sa isa't isa di ba?" sagot ko.

"Let's wait Ivy." Humarap siya sa akin at ngumiti. "Sa kanila mo mismo makikita.." Napangiti lang rin ako sa kanya. Hindi lang naman din siya ang nakakapansin pero, i dont want to be paranoid. Hihintayin ko na lang. Magulang ako, kaya halata ko naman iyon kay Lance.

"Let's go inside, deretso na ko sa client ko Hon after."

*At Children's Party* - Owy

"Babe, tara photobooth tayo nina Onin!" Hinila ko si Alexia papalapit sakin at binuhat naman niya si Onin. Para kaming isang pamilya.

Ilang minuto ang lumipas ay matatapos na kami, mag pa5pm na rin ng hapon at naguuwian na ang mga tao sa Birthday Party ng pamangkin namin. Saglit pa ay narinig kong tumunog ang cellphone ko na agad ko namang sinagot.

"Hello po, Sige po Tito. Bbye."

"Si Tito Gino?"

"Yup, nasa bahay na daw siya. Pinapauwi na rin tayo ni Mama."

"Ay sige eh di tara na, Baby Onin uwi na tayo ha?" Naalala ko tuloy si Mama sa kanya, mahilig din ng sobra sa bata.

"Tara.."

Nagpaalam kami sa Pinsan ko, Older sa amin ni Oliver. Inimbitahan rin namin sila sa birthday party ni Onin sa Saturday kaya natuwa rin sila.

Biniro pa nga na bagay daw kami ni Alexia.. Pero syempre ang sabi ko "Oo naman pinsan! Bagay na bagay.Haha"

"Babe, di na ako dadaan sa inyo ha? Magluluto pa kasi ako para kay Papsi. Sige ha. Bye baby Onin!" Kumiss naman siya sa pisngi ni Onin. Pumasok na siya sa loob ng bahay nila.

Pagpasok namin ni Onin ay tahimik sa loob, magkahiwalay ng inuupuan sina Coleen at Oliver. Nagbibihis na rin si Mommy ng pangtrabaho. Lumapit agad si Onin kay Tito at nagpabuhat ito.

"Mommy." Noong tinawag ko siya ay nagbeso beso kami, ganon din ako kay Tito.

Hindi ko alam kung bakit parang ang sama ng kutob ko, pero bakit ang tahimik nung dalawa.

"Dear, una na ko ha? Coleen..." Tumayo naman agad si Coleen. Nakita kong hawak na rin niya yung maleta niya.

"Opo."

"Tara na Dear, Coleen."

"Thank you, Ku-kuya Lance, Bye Kuya Owy thank you din." Nagbye na rin naman ako pagkatapos. Pinagbuksan ko sila ng gate tatlo, si Mommy ay ibang kotse ang sinakyan while sabay naman si Tito at Coleen.

Pumasok uli ako sa bahay at wala na si Oliver sa sala, dumeretso ako ng kwarto niya at nakita kong di pa din pa pala siya nagpapalit ng covers ng kama niya. Nacucurious tuloy ako sa mga nangyari kanina nung wala ako?

Hindi naman kaya??? Tssk. Mali yung iniisip ko.

"Bro." Tawag ko sakanya. Nakadapa lang siya sa kama nya at yakap yakap ang unan. "Uy May nangyari ba? Any Problem?"

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon