Chapter 66 - In love with her Sister!?

1.1K 14 3
                                    

Chapter 66 – Gino

Matapos kong ihatid si Ivy sa bahay nila, hindi na rin naman ako nagtagal pa dun. Dumertso ako sa school nina Coleen para ako na mismo ang sumundo sa kanya. At para na rin makita ko, kung ano ba ang turingan nina Lance at Coleen sa school. Kapag silang dalawa lang ang magksama. Nakarating naman ako kaagad sa school na yun,dahil may ilang minuto lang naman ang byahe papunta dun galing sa bahay nina Ivy.

Naabutan kong nag-iintay sa parking lot sina Coleen at Lance, Louis at pati na ang girlfriend nya. Magkatabi silang dalawa ni Lance habang nagkwekwentuhan. Ipinark ko lang naman ang kotse ko, at dahil hindi ako napansin ni Coleen. Lumapit kaagad ako sa kanila.

"Tito.." napalingon silang lahat sakin ng mapansin ako ni Louis.

"Pa? ano pong ginagawa nyo dito?" tanong sakin ng anak ko. Napatayo sya at lumapit na rin naman sya sakin.

"Ako na ang sumundo sayo kase maaga din naman akong nakauwi.." tumingin ako kay Lance. Hindi ko alam kung nagulat ba sya o ano. Pero hindi ko mabasa ang nararamdaman nya ngayon. "Sinong iniintay nyo?"

"Ahh, Tito, yung sundo po sana ni Coleen. Para sabay-sabay na din kaming makauwi. " nakangiting sabi sakin ni Lance.

"ahh ganun ba?" tumango-tango naman sila.

"Pa, tara na.. Kanina pa kasi sila naghihintay eh. Di din sila makauwi dahil sakin." sabi ni Coleen sakin at agad naman kinuha ang bag nya na nakapatong sa inuupuan nila kanina.

"SIge anak..." tumingin ako kina Lance. "Kayo rin, umuwi na kayo.." inakbayan ko ang anak ko hanggang sa makarating kami dun sa kotse.

Pumasok naman si Coleen sa kotse at ganun na rin ako.

"Anak.." habang pinapastart ko ang sasakyan. "nakita ng Tita Ivy mo yung keychain sa sasakyan. Naihulog mo yata.. Kunin mo na lang sa cabin."

"Talaga pa??!" agad naman nyang binuksan yung cabin para kuhanin yung keychain. "buti na lang hindi nawala. Kahapon ko pa to hinahanap,Pa eh. Thank you Po." nakangiti nyang sabi habang nagdradrive lang naman ako.

"Don't thank me... Si Tita Ivy mo ang nakahanap nyan." Nilingon ko naman sya sandali.. "talagang mahalaga sayo yung keychain na yan ah.." ngumiti ako habang nagdadrive.

"Hmm... opo Pa. Kasama to sa mga bagay na pinaka-importante para sakin.. " nilingon ko sya at nakita ko ang pagngiti nya. Niyakap pa nya sa kamay ang keychain na hawak-hawak nya. Ngayon ko naisip, pano kung...Pano kung tama ang hinala ko?Na si Lance nga ang tinutukoy ni Coleen... what if?Pipigilin ko ba yun? Pipigilan ko ba sila?

"Ganun ba? Hmmm.. sya nga pala.." napalingon ulit sya sakin.. "You're about to tell me something right? Nung nakaraang araw? Nakalimutan ko ng itanong ulit dahil naging busy ulit ako sa work eh. Pero ngayon, free na ko.. " tumingin ako sa kanya sandali. "ano nga ulit yun, princess?"

"ahh... ummm.. ano po eh. Nakalimutan ko na kasi.Ummm... Tagal na po kasi nun eh."

"hmmm. Well, tell me kung naalala mo na.." ngumiti naman ako sa kanya at tumango lang naman din sya.

*Posadas Residence* - Tita Ivy

"Lance.." pagpigil ko sa kanyang umakyat ng hagdan. I'm just going to check and make sure na tama yung iniisip ko kanina. Na magkapareho na sila ng keychain ni Coleen.

"Yes Ma?" napahinto naman sya.

"Can I borrow your phone?"tumigil ako sandali. "I left my phone upstairs, and I have to call someone..."

"Ku- Kunin ko na lang po yung phone nyo.." ang mapagpalusot kong anak..

"No, its fine. Sandali ko lang naman gagamitin.. for a while please?" kinuha nya yung phone nya at may pinindot-pindot pa sya bago ibigay sakin...

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now