Chapter 34 - I'm Sorry

2.9K 37 42
                                    

Chapter 34 – Ranz

"Abby, tungkol dun sa pagtulong ko sayo. I want to be honest, but, I really don't know what to do. I wanna help you. Pero--" napahinto na lang ako nung magsalita sya bigla.

"Don't worry about it Ranz. I know that, I made you so much trouble." Ngumiti lang si Abby. "Thank you Ranz, thanks for everything.."

Naaalala ko pa rin yung napag-usapan namin kanina ni Abby. Nagiguilty ako, sinabi ko sa kanya noon na tutulungan ko sya sa problema nya para makaalis sa arrange marriage na yon. Pero hindi ko man lang alam ang gagawin ko.

Hindi ko naman sya pwedeng itanan. Mga bata pa rin kami, at hindi rin naman kami ni Abby. Siguradong pag ginawa ko yon, hahanapin din kami ng mga magulang nya. At madadamay din ang pamilya ko.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko ng maramadaman koi tong magvibrate. Nakita kong galing kay Owy ang text kaya naman inopen ko kaagad.

'Ranz, kailangan na natin ng meeting para sa foundation day next week. Kelan pwede?'

Ang dami ko na ngang inaaalala. Dumagdag pa tong performance namin sa foundation day. Okay lang naman mag-perform kami eh. Kaso medyo naiilang ako kay Oli. Sila na kasi ang close ngayon ni Coleen. Pakiramdam ko tuloy may kaagaw na ko.

NIreplyan ko naman si Owy.

'Ge bro, sa Friday.'

"Uy bro!" napalingon na lang ako. Nakita ko si CAV na papalapit sakin. Naglalakad kasi ako papalabas na ng gate ng School.

"Uy CAV."

"Sabay na tayo Bro." Tumango naman ako sabay pasok ng cellphone ko sa bulsa.

"May meeting nga pala tayo this Friday. Pakiremind na din sila.."

"Totoo ba?" biglaan nyang tanong na wala naman akong clue kung anoa ng tinutukoy nya.

"Huh?Anong totoo?"

"Nag-kiss daw kayo ni Abby sa auditorium..?" nakaltukan ko nga.

"Aray. Nagtatanong lang ako ah.." paghawak nya sa ulo nya. "So, totoo nga?"

"Aksidente yun. Walang may gustong mangyari yun.."

"Asuuuuuus. Kaw pa Ranz, chickboy ka eh.." napakunot na lang noo ko sa sinabi nya.

"Alam mong simula ng makilala ko si Coleen, hindi na ko ganun. At tsaka, dahil lang naman kay Abby kaya ako naging ganun dati. Ngayon kung sinasabi mo pa ring chickboy ako, bahala ka sa buhay mo.."

"Sungit naman nito.." napasimangot na lang si CAV "oh, si Coleen nga pala. Kumusta kayo? Bakit nga pala hindi mo sya kasabay? Hindi mo ba sya inihahatid? Tsaka kanina, nakita ko. Magkasama silang dalawa ni Oli. LQ ba kayo?" Buti naman naisipan nyang itanong lahat, kasi nababadtrip na ko.

"break na kami.."

"HA!?" Pumara naman ako ng jeep at agad na sumakay.

"Uy! Sandali!" tumabi sya sakin.

"Pano kayo nagbreak? Bakit? Kala ko ba di ka na chickboy?"

"Uy, Di ba kayo si Ranz at Cav ng Chicser? Papicture naman oooh." Pagpapacute ng mga babaeng nasa tapat naming jeep.

"Wait lang mga ate ah.." tumingin ulit sakin si CAV. "Bro, ano ba talaga? Kala ko seryoso ka na kay Coleen?"

"Oo nga, hindi naman ako yung nakipag-break. Teka nga, wag ka ngang tanong ng tanong tungkol dyan. Baka mabadtrip ako, di kita matantya."

"Psshhhh.. Nagtatanong lang eh.." napakamot na lang sya ng batok nya. "Mga ate tara, picture na lang tayo.."

Kung alam lang talaga nya kung ano ang nangyari samin ni Coleen.Tsk.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now