Chapter 13 - Irish

4.3K 47 35
                                    

Chapter 13 - Oliver

"Eto." itinuro ko yung kakantahin nya. Pero naisip ko, mas maganda siguro kung surprise na lang nyang malalaman. Ang pinili ko kasi ay yung favorite song ko ni Julie. Siguro naman alam nya din yung kantang yun. At gusto ko rin talagang marinig nyang kantahin yun para sakin. Kahit na hindi directly sa akin, gusto ko lang marinig hangga't kaming dalawa lang ang magkasama ngayon.

"Hmmm?" Lumapit sya na parang napapaisip na rin sa pinili kong kanta sa kanya. Bigla ko namang tinakpan yung songlist. Para hindi nya makita kung anong gusto kong kantahin nya.

"ang daya naman!" sumimangot sya na para bang bata. Lalo tuloy akong na-attract dahil sa ugali nya.

Ang hirap pala ng ganito, kapag nasa karap ka ng taong gusto mo. Hindi mo na lang alam kung ano ang gagawin. Kapag nagtatama ang mga mata naming dalawa ay lalo lang ako nahihiya sa kanya.

"Kantahin mo para sakin.." bigla na lang lumabas sa bibig ko. "eh-este..PARA SATIN!" pakiramdam ko tuloy ay ibinuking ko mismo ang sarili ko sa kanya.

Napatawa ako bigla, at fake na fake ang tawa ko. Habang papahina pa nga.

Ha- ha. ha.

"Ok, sige na nga." ngumiti lang sya sakin na lalong nagpahina ng loob ko. Alam ko na, hanggang pangarap ko na lang si Coleen.

Ng lumabas naman sa screen ang kakantahin nya ay hindi na nya napigilang mapasigaw."Wow! favorite song ko!" napalingon syang bigla sakin. Sobrang laki ng ngiti nya, at hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti rin.

"Wishing on a distant star, a glimpse of what we had. It is you I think about, our memories of love."

Napatitig lang ako sa kanya. What is this feeling? Sumisikip yung dibdib ko.

"As time goes by, I found the reason why. Why I'm falling deeper into you"

Tumingin sya sa direksyon ko sandali, at nagtama ang mga mata namin.

Parang may narinig naman akong mga tili ng tao. Kaagad naman nyang iniiwas ang tingin nya sakin.

Alam ko si Ranz ang mahal mo, ano bang laban ko dun? At sa kantang yan, siya yung nasa isip mo. Hindi ako.

"When I close my eyes, then I realize with you I wanna be. And with open arms, I'm waiting for the hour. For the time that you will see, see and feel the love we deserve to have. You and I are meant to be. When I close my eyes, you are here with me"

Matapos nyang kumanta, lumabas na kami kaagad. Sayang nga eh, sana nagpresinta pa kong kumanta para tumagal kami sa loob. Pero ang dami kasing nakapila din sa labas. Nakakahiya naman kung ganon.

Nagulat na lang ako ng lumabas kami ay maraming naglapitan sa amin para magpapicture. Napagkamalan pa yata kaming artista nitong si Coleen.

Pagkalabas namin dun, napadaan kami sa JUNGLE LOG.

H'wag naman sana akong yayain ni Coleen dito. Dahil kanina pa ko hilo sa VIKING eh. Parang di pa nga ako nakakarecover. Medyo nawala na nga kanina eh. At ayaw ko ng bumalik.

"Tara sakay naman tayo dun oh?" sinasabi ko na nga ba eh. Malas lang Oli.

"Tara!" sumang-ayon na rin naman ako, dahil ayokong sayangin ang pagkakataong makasama ko sya. Kahit ngayong sandali lang, kahit ilang minuto lang.

Natapos na din naman kaagad, dahil konti lang ang pila. Grabe, medyo umikot yata ang tyan ko dun. Parang naiwan kaluluwa ko sa langit.

"ANG SAYA!!" napahampas pa sya ng mahina sa balikat ko.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ