Chapter 26 - Kayo Ba?

3.4K 28 22
                                    

Chapter 26 – Ullyses

Eh mali ako ng binabaan ng jeep, sumakay na lang ulit ako. Punta muna ako kina Cav after makauwi sa bahay, hihiramin ko kasi yung Cd naming, nakaburn dun lahat ng sasayawin namin sa Foundation Day. Nakalimutan ko pang sabihin sa kanya kanina, tssk.Engot din talaga ako.

"Ma..." Tawag ko kay Mama na busy naman sa panonood lang ng Tv, yung dramarama sa hapon. Medyo mahilig kasi siya dun eh.

"Oh? Kumaen ka na ba Ully? May pagkain na dun, bagong luto lang din. Kung gusto mo sabayan na kita." Insist niya.

"Ha, ah Ma. Punta pa ko kina Cav, mamaya paguwi ko ulet. Sige Ma." Sabay takbo ko sa taas ng kwarto ko. Hindi ko na masyadong narinig yung sinabi ni Mama, basta dali-dali na lang ako nagpalit ng damit tsaka dumeretso sa labas, nasa garden si mama nun at nagwawalis lang. Wala pa kasi si papa para may makausap siya."Bye Ma!"

"Mag ingat ka, papagabi na! Bye Ully!"

Halos 15minutes yung byinahe ko, nagkaroon kasi ng sandaling trapik eh.

Nakarating na din naman ako sa village nila, pero di ko inaasahan yung maabutan ko. Nagdodrowing na naman siya? Si Chi.

Lalapitan ko pa sana siya, pero bigla na lang siyang tumayo at lumingaon sa likod niya. Tinignan ko naman, siguro mama niya yun. Oo nga pala, nakaupo siya dun sa tapat ng pinto nila sa may step ng hagdan.

Pagkatapos ng araw na yun, nakita ko na naman si Chi na nagdrodrawing sa school.

"Ako ba yan?" Parang ako nga eh.

"HINDI!!!" Pasigaw naman niyang sagot. Kahapon nakita ko rin siyang nagdodrowing, di mo makakaila kung sino nga yung nakadrawing , napakaprofessional kasi kahit pasketch lang yun.

Hindi ko na hinabol pa si Chi, baka kasi mas lalong maging awkward kami sa isat isa kapag nangyari yun eh.

*Villafuerte Residence* - Cav

Nagpack lang ako ng pang 1 day na para paguwi sa province, sakto kasing kinabukasan araw na ng libing ng Lolo ko. Hindi man lang ako makadalaw ng matagal, mamaya na din yung dating ni Papa galing sa work e. Masasamahan siguro din niya ko, pero sana payagan din si hazel, naging close din naman sila ni Lolo.

"Pst. Pre, yung bola paabot." Sitsit sakin nung classmate ko, P.E time kasi namin ngayon, tapos si Owy naman wala. Sinamahan si Alexia sa mall para may bilhin, tinatamad kasi akong lumabas ng school. Free time din kasi si Alexia, eh nasan kaya ngayon si Ully at Chi? Magkakaklase lang naman sila?

Binato ko naman yung bola sa classmate ko, free game lang kasi. Wala naman yung teacher namin, kaya pwedeng maglaro or di pumasok. Hindi naman masyadong strict sa school , basta important matters palalabasin ka nila.

"Salamat Pre." Buti eh may kumakausap pang ibang lalaki sakin? Lol. Eh kasi naman, natatakot silang masabihan na bakla ng ibang lalaki, puro fangirls ang nakapalibot samin. Nakita ko na lang si Chi bigla...eh? Tumatakbo siya? Galing siguro ng second floor? Nakakahiya namang sundan baka nagmamadali siya eh. Kaya naisipan ko na lang na i-text si Ully.

Hoy bro, san ka? Wla me ksma, d2 aq tpat ng bench ng open court. Dli wla nmn kyong klase e.

Dala kaya niya phone niya?

"Oy, bro. Dito na ko. Tinamad na kong magreply kaya pinuntahan na lang kita." Sabi niya sabay upo sa tabi ko, dito rin sa bench.

"Pssh. Wala. Poor ka lang ata sa load eh." napakunot yung mukha niya nun. Eh nakaplan kasi siya, ang angas niyan eh.

"Tibay bro, alam mo namang nakaplan ako eh. Nakita mo si Chi dito? Tinakbuhan kasi ako kanina eh."

"Ah so? May pinaiyak ka na namang babae?"

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now