Chapter 21 - OwyBabe

3.6K 32 45
                                    

Chapter 21 – Hazel

Gaya nga ng sinabi ni Cav,inihatid nya kami ni Kate sa bahay. Laking tuwa pa nga mga magulang ko na makita ulit si Cav. Matagal na rin kasi nilang hindi nakikita si Cav, simula pa nung mabasted ko sya. Yun yung araw na mas lumala yung sakit ko, yung araw na sobrang naramdaman ko yung sakit na mawalan ka ng taong mahal mo. Pero ngayon, eto. Kasama at nakikita ko na ulit sya. Hindi man katulad ng dati na sobrang close kami sa isa't-isa. Masaya pa rin ako, dahil kahit papano. Lumawag yung pakiramdam ko.

"Ate Hazel, ok ka na ba?" tanong sakin ni Kate habang nakahiga ako ngayon sa kama. Mabait si Kate, minsan nga lang moody. Pero, may point naman sya sa lahat ng bagay. Kaya nga hinahangaan ko rin itong kapatid ko. Dahil kahit na mas bata sya, mas matured sya kaysa sakin.

"Ok na ko Kate.." napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ko. "S- Si Cav? Umalis na ba sya?" tanong ko kay Kate at napailing naman sya.

"Nandyan pa sya.." ngumiti naman si Kate. "Mukhang wala yatang balak sina Mama na pauwiin sya eh.." nakangiting sabi ni Kate.

"Talaga yang sina Mama at Papa, sabihan mo na nga. Baka nakakaabala na tayo kay Cav.."

"Si Kuya Cav pa?! Okay lang sa kanya yun. Mukha rin naman syang masaya na makita at makausap sina Mama at Papa eh.." tumayo naman si Kate sa pagkakaupo nya sa kama ko.

Tinignan ko lang sya habang papunta sa tapat ng pinto para isarado ito.

"Ate, magpahinga ka na. Alam kong napagod ka, pasensya ka nga pala ha. Kung di' kita niyaya mag-Mall hindi mangyayari to." Sumandal naman sya sa pinto.

"Okay lang yun Kate,naiintindihan ko naman na namiss mo rin yung pag-mo-mall natin na magkasama.." nginitian ko na lang si Kate. Alam kong sisisihin na naman nya yung sarili nya sa nangyari sakin.

"pshhh... Kahit na, kasalanan ko pa din.." oh diba? "Ah- Ate—may tanong ako sayo.."

"Ano yun?" lumapit ulit sya at umupo sa kama ko.

"Kung wala ka ng sakit, oh kung malakas ka na ngayon.." napahinto naman sya. Anong ibig nyang sabihin? "Kung—tanungin ka ulit ni Kuya CAV, at sinabi nyang mahal ka pa rin nya. Sasagutin mo ba sya?" nagulat naman ako sa tanong ni Kate. Seryosong-seryoso sya ng tanungin nya yun.

Ewan ko ba, pakiramdam ko tuloy may itinatago si Kate sakin. Pakiramdam ko may dapat akong malaman na isinisikreto nya.

"Bakit mo naman naitanong yan Kate?" iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Mahal ko pa rin si CAV, at kung iisipin ko lang na mangyayari yun. Siguro mas magiging masaya ako. Dahil, hindi na lang kami magkaibigan ni CAV. Kundi mas higit pa dun.

"W- Wala lang,..... sa tingin ko kase, hanggang ngayon. Mahal ka pa rin ni Kuya Cav, nakikita ko pa rin na umaasa sya na baling araw. Maibabalik nyo ang lahat.." naibalik ko naman ang tingin ko kay Kate, hindi ko akalain na iniisip nya yun.

"Kate, I don't know. And I'm not also hoping that it will happen... Alam mo naman siguro kung bakit.." natahimik na lang bigla si Kate. Ang totoo, hindi ko naman talaga alam kung anong isasagot ko sa kanya. Tumayo si Kate sa pagkakaupo sa kama ko.

"H'wag mo ng isipin yung itinanong ko kanina Ate, pasensya ka na. Kung ano-ano lang ang sumasagi sa isip ko. Sige magpahinga ka na.." iniayos nya yung kumot na nakakumot sakin.

Lumabas na rin naman si Kate sa kwarto ko ng di na rin ako nakasagot sa itinanong nya. Bakit hindi ko iniisip na mangyayari yun? Ipinikit ko ang mga mata ko para makapagpahinga. Pero habang nakapikit ako, naramdaman ko na lang may pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Hazel, gising ka pa ba?" narinig kong boses ni Cav. Di ko naman maimulat yung mata ko. Nahihiya ako sa kanya, kaya minabuti ko na lang na magpanggap na natutulog. Naramdaman ko yung pag-upo nya sa kama ko. "Hazel, sorry talaga kanina ah. Kung nandun lang sana ako para bantayan ka. Hindi ka sana nasaktan. Alam mo ba, nung nakita kita kanina. Parang sumikip yung dibdib ko. Yung pakiramdam na, parang hindi ka makahinga. Siguro ganun lang talaga, kapag nakikita mo yung taong miss na miss mo na.." sa mga sinabing yun ni CAV, nanikip yung dibdib ko. Gusto ko sanang humawak sa dibdib ko. Kaso tiniis ko na lang yung sakit.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن