Chapter 22 - Just Friends

3.5K 27 37
                                    

Chapter 22 - Owy

Nakakatuwa lang talaga si Alexia, sobrang napasubo ata ako? Ako naman may choice nito, panindigan ko na lang siguro. Nagbablush siya ng tignan ko sya kanina.

"Oh, anyare sa daliri mo BIBOY?" Tanong ni Ully na kita kong sarap na sarap pa ata sa pagkain niya. Napalingon din naman ako dun sa tinuro ni Ully. Nakita kong may band-aid na nakalagay sa thumb niya.

"Hah, eh..wala kanina kasi T.H.E namin, eh di ako este ka--."

"HOY AKO MARUNONG AKO HA!" Biglang sabat ni Ranz. Ang defensive naman ni Ranz, eh hindi rin naman talaga siya marunong.

"Haha." Tawa lang ni Irish ng mahina, ano kayang nangyari dun.

"Mga di marunong magluto, buti pa si OwyBabe ko? yiiiie." Pang-asar ni Alexia. AKO?! As in ako pa sinabihan niya ng marunong magluto?

"Oh, Bro ikaw bakit may paso ata yang kamay mo." Ngumiti na lang ako kay Alexia at hindi sinagot sa sinabi niyang yun.

"Malamang natalsikan yan ng MANTIKA!" Tumawa kaming lahat sa sinabing yun ni CAV.

Epic Fail lang talaga yung mukha nilang tatlo, pare-pareho silang nakanguso.

"Okay lang yun, ang sarap nga ng niluto natin eh." Sabi ni Irish habang inaangat angat yung kilay niya.

"Wow! Pwede ba naming makita?" Lahat ata kami napalingon sa sinabing yun ni Chi.

"Oy grabe kayo ha! Ang ganda kaya nung presentation namin dun, syempre tinulungan kami ng bestfriend kong si Irish. Dabest kaya to magluto!" Depensa ni Biboy.

"Weh? Mr. Alberto Cabigon Chua A.K.A Biboy, sure ka ba dyan? Ha? " Mataray na tanong ni Alexia, sabay yakap dun sa braso ko. Tapos na kasi siyang kumain. Nagulat kaming lahat nung biglang tumayo si Oliver.

"Uy Bro san ka pupunta?" Tanong ko.

"A-ano, CR lang.." Tumuro pa siya palabas ng canteen, nakita ko naman yung ibang babae sa paligid. Sinusundan siya ng tingin eh.

"Hoy! Balik ka dito ha!" Sigaw ko na lang, nagpatuloy nalang kami sa pagkain nung umalis siya.

"OWYBABE, kumaen ka pa! Baka mamayat ka niyan eh." Hindi ko sinasadya paglingon ko, nagtama yung ilong namin.

Speechless na lang ako, sabay mabilis na lumayo sa kanya. Baka sabihan kaming PDA at mapapunta pa kaming guidance office.

"Ang sweet naman niyan..Sana lang nandito din si Coleen eh." Oo nga noh? Paano kaya kung nandito din si Coleen?

*At MountWest Academy* - Oliver

Umalis ako dun sa pwesto namin sa canteen, punta na lang siguro ako ng Music Room at hihiram na lang ako ng gitara. Bahala na kung hanapin pa nila ako. Naglakad ako sa hallway nun, tahimik lang. Dito kasi yung mga office ng schools namin, kaya siguro walang dumadaan. Sa kabilang hallway naman eh mga faculties. Tumungo na lang ako habang nakalagay yung kamay ko sa pants ko. Isang liko na lang sana sa hallway ng di sinasadyang may makabangga saking babae.

"Ay, sorry. Sorry kuya, nagmamadali lang po." Nakatungo siya nung nagsosorry, tumatakbo kasi siya.

Ngayon palang naramdaman ko kung sino tong nasa harapan ko..

"O-Oli!? Ikaw pala! Hulog ka ng langit! Tulungan mo naman ako pleeeaaaase.." Kahit na haggard yung face nya, mukhang angel pa din siya.

"A...ah—o." Bakit ba lagi na lang akong stuttered tuwing kaharap siya.

Inhale exhale

"Kakarating ko lang kasi eh, late nako for morning Class. May inayos pa kasi ako sa office...." Paliwanag niya..

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now