Chapter 36 - Intertwined

2.1K 34 51
                                    

Chapter 36 – Coleen

*Before the recent event*

Ang aga kong nagising, bumaba agad ako ng kwarto para ichechk kung gising na rin si Papa.

"Pa...?" Tawag ko sa kanya.

Walang sumasagot, kahit si Manang. Maaga pa siguro. Binuksan ko yung Dvd namin at nagpatugtog. Mas gusto ko yung mellow song, kaya sinalang ko ung Cd ni Julie Anne San Jose.

"Yes. It's you. You're the only in my life I've known. From the start that it's you. I'd spend forever with. So please hold on with me. You know so well that we can't last a day. Without each other you're all I have and I'm all that's there. To keep you goin'. Hold on, just keep on holding on It may not be for long. Just keep on holding on with me. Hold on, just keep on holding on It may not be for long.Just keep on holding on with me..."

Umupo ako sa hagdan, naisip ko lang si Ranz...paano kaya kung naghold-on ako?? Ayos pa din kaya kami? Kahit nandyan si Abby? Mahigit kalahating oras akong nakatulala. Nagreminisce, at binalikan ko lang ng kaunti yung nakaraan. What if, kung hindi naman ako lumipat ng school? Makikilala ko pa kaya sila?

Kinuha ko ang phone ko, oo nga pala nakalimutan kong itext si Oliver kahapon. Magpapasama nga pala ako sa mall. Hindi ko rin naman maistorbo si Chi, nakakahiya at baka busy rin siya. Magkaiba naman kasi kami ng teacher, kaya di ko alam kung may gagawin ba siya o wala.

Send: 09*******

Oliver pa pala nakalagay na name sa cellphone ko. Dapat ko bang baguhin?

"Goodmorning bestfriend, kung free ka okay lang ba samahan moko kahit mamayang hapon? Thanks, and Have a good day! Godbless...."

Ay lagyan ko ng..

" =) "

Hindi naman ako kumakain ng masyado sa umaga. A hot coffee will do. Minsan kung maagang dumadating si Manang, may dala siyang sopas or kakanin sakin.

Isang oras na ata akong nakatulala at nagiisip ng kung ano-ano. Wala naman kasi kaming masyadong homeworks eh, tsaka ginawa ko na rin kahapon yun bago ako matulog.

"Goodmorning Princess.."Nagulat na lang ako kay Papa na kiniss ako sa cheeks.

"Pa? Ah Goodmorning po." Tumayo na din naman ako.

"Kanina dumaan ako, nakatungo ka lang diyan. Pinatay ko na nga yung sounds mo, kase kala ko nakatulog ka na dyan. Di mo ko napansin anak?"

"Ha...Ah...Opo..Pa, sorry mukhang nakaidlip nga po ako." Wala ata ako sa sarili..

Tumingin ako sa Cellphone ko, pero wala namang reply si Oliver, galing lang kay Chi at from my old classmates sa girls school na goodmorning lang naman. Bakit kaya di niya ko nirereplyan? Di kaya nagtampo sakin dahil di ko siya tinext kahapon? ....hindi naman siguro.

"Okay ka lang ba princess?? Papasok na ko ha.. Bukas pala, mag ayos ka. Yung pinapabili ko ha."

Napahikab ako

"Matulog ka na muna, bye Princess." Naramdaman ko nalang ang pagtama ng sinag ng araw sa katawan ko, nakatayo lang kasi ako sa pinto. Pinapanood ang pagalis ni Papa.

"Ano nga bang meron bukas??"

Papa talaga!

*At Movement Dance Studio* - Ranz

"Last count! 4, 3, 2, and do your signature pose!" Wala ako sa mood sumigaw sa umaga, kaya pinakiusapan ko muna si Ully na mag sub sakin. Tutal may naiisip na naman siyang cheoreography sa sayaw namin eh.

"Ranz, bro. Okay ka lang?" Tinapik ako ni ully. Hinihingal ako, di rin ako masyadong makasabay sa steps dahil sa dami ng iniisip ko.

"Yeah bro." Tumingin ako sa wrist watch ko, mag 11 am na din pala at isang oras na naming pinapraktis yung sayaw namin. In fact, tapos na din siya. Si Cav naman yung umaasikaso ng t-shirt na isusuot namin.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon