Chapter 2 - Rivalry

12.3K 176 23
                                    

Chapter 2 - Coleen

"Tss.. Coleen, wag ka ngang kabahan. Kaibigan sila ni Ranz, I'm sure magugustuhan ka nila." Nandito lang naman ako sa pinto ng dancing studio nila Ranz, ang boyfriend ko. Kanina ko pa pinapalakas ang loob ko para makapagpakilala ng maayos sa kanila, pinagpapractisan ko din yung pagpapakilalang gagawin ko dahil wala talaga akong idea.

Ranz was my first boyfriend, kaya naman hindi ko talaga alam kung anong iaact ko sa harapan ng mga kaibigan nya. Ng magkaroon ako ng lakas ng loob na kumatok ay ipinagpatuloy ko na. Ang pinakauna kong nakita ay Oli, isa sa mga member ng dance troop nila. He was just staring at me ng makita nya ako. Hindi ko tuloy alam kung anong iaact ko. Kilala ko na sila dahil sa marami na rin silang fanpage sa facebook at sa kung ano-ano pang site. Doon din ako nakilala ni Ranz, bilang tagahanga nya.

Si Ranz nga pala, ang first love at first boyfriend ko. Isa lang din ako sa mga taong humahanga sa galing nila sa pagsayaw, hindi ko ikakaila yun. Lahat sila may charms, pero isa lang talaga pumukaw ng paningin ko, si Babe na niligawan ako ng halos dalawang lingo. I admire him a lot, kaya naman ng ligawan nya ako ay hindi ko din talaga inaasahan.

Binigyan ko si Babe ng Mcdo CheeseBurger, yun kasi yung hilig namin kainin kapag nagdedate kami. Hindi ko pa nga siya naipapakilala sa Papa ko, at naiintindihan niya kung bakit. Di pa kasi ako pwedeng magboyfriend kapag di pa ko college. Hayaan niyo na, malapit na din naman. September na, at halos 6 months na lang gagraduate na kami.

Inihatid ako ni Ranz pauwi matapos ang practice nila sa studio, halos malapit lang din ang bahay namin kaya naglakad na lang kami.

"Babe, dito na lang ako. Ingat ka sa pag-uwi ha." sabi ko sa kanya, at humalik sa pisngi niya. Alam ko nalungkot siya, dahil hindi ko magawang maipakilala siya sa Papa ko. Naiinis ako, dahil hindi ko pa kaya. Isang kanto pa kasi talaga ang layo bago yung bahay namin.

"Sige sige Babe." ngumiti naman sya sa akin, at agad din akong napangiti. Isa kasi yun sa mga dahilan kung bakit siguro nainlove ako sa kanya.

Hinawakan niya ng mahigpit sandali ang mga kamay ko, tsaka ngumiti ulit.

Ang cute niya!! sobra!!

Pagkatapos nun ay parehas na kaming nagwave, at sabay talikod ko na din sa kanya.

Pagpasok ko ng bahay, eh wala naman akong nadatnan maliban sa isang katulong namin na si Manang.

My mom past away when I was 13 years old, kaya medyo may isip na ako nun. nadepressed ako sandali pero kinomfort ako ni Papa para maging maayos na din ako. Siya din kasi, masyadong nalulungkot ng pumanaw si Mama kaya naging masaya na ako. Life must go on pa din di ba??

"*BEEP!* *BEEP!*" kakapalit ko pa lang ng t-shirt ng marinig ko ang busina ng kotse, malamang si Papa na yun.

Wow, ang aga ng uwi niya ngayon ha!?

Nakakapanibago sa always 9pm niyang uwi galing sa Makati. He works as a one of the Share Holders of Uniliver Philippines.

Kahit medyo gulo gulo pa buhok ko, eh tinangay ko na yung suklay ko. Baka kasi busy si Manang at di mapagbuksan ng gate si Papa.

"*BEEP!!*" dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan, ng di ko na namalayan ang mabilis na pagdausdos ko sa hagdan.

"WAAAHH! Ahhhhhh!! Manaaaaang!!! Araaay. "

"Susmaryosep!? Anong nangyare sayo Mam??"

"Aray ko." Paghawak ko pa sa balakang ko na bahagyang tumama sa hagdan kanina.

"*BEEP!*"

"Manang, okay lang po ako. Pagbuksan niyo po muna si Papa ng gate, kanina pa bumubusina eh." Napakamot na lang ako sa ulo ko at napakunot ng noo habang sinusubukan kong tumayo. Buti na lang talaga di masakit.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum