Chapter 44 - Sweet Goodbye

1.4K 20 10
                                    

Chapter 44 - Cav

Niyaya ko si Ully sa bahay mga 11am para maglaro ng bagong game na nabili ko. Nagtaka nga ako eh, umagang-umaga nasa tapat sya ng bahay ni Chi at kausap pa ito.Sabay namang nagtext samin si Owy. Mukhang Gm pa yata to eh.

'Guys, hatid natin si Abby sa airport. Sumama na kayo, baka huling pagkakataon na to para makasama sya. '

"Oh ano, sibat nako. Dadaan pa ko kay Chi! Salamat, ganda nung wii mo! astig!" Binitawan na ni Ully yung controller at tumayo, ganon din naman ako.

"Kita na lang tayo mamaya? Si Chi itext ko na lang, baka sakaling sumama. Malapit lang naman sya dito eh. Ikaw? Kasabay mo si Biboy? Tutal kayo magkapitbahay." Hinatid ko siya palabas ng gate namin, wala naman kasing ibang tao pa sa bahay para magpaalam siya kundi yung Yaya lang namin.

"Sige bro."

"Ay teka!"

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Napakamot pa siya sa ulo nun.

"Kanina, nakina Chi ka, tapos ngayon dadaanan mo siya. Yung totoo Ully? Interesado ka sa kanya?"

natawa ako bigla kay Ully nung biglang magbago ang expression niya, na ngayon ko lang nakita. Para bang kinikilig, pero tumatawa. Kala mo kasi lahat dito kay Ully, joke lahat ng bagay bagay eh.

"Ewan ko nga eh, pero...may kailangan ako sa kanya."

"Kung ano man yun, Sana walang kalokohan Ully ha." Ngayon lang ata siya sumagot ng ganyan sakin.

"Hi-Hindi! Wala ah!." Sus, in denial. "S-sige, alis nako. Thank you sa lunch! He-he." Di ko ganong kakilala ang ugali ni Ully, pero sa palagay ko....May gusto yun kay Chi. Ay bahala nga siya.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko, Si hazel tumatawag.

"Hello Cav! Baka sa Saturday kami ng gabi makauwi, anong gusto mong pasalubong?"

"Ikaw talaga Hazel, wag ka ng magabala. Kahit wala, basta makauwi ka ng Safe okay na yun! Ingat kayo paguwi ha. Maghihintay ako, hihintayin kita sa tapat ng bahay niyo." Nakangiti kong sabi. Narito pa man din ako sa bungad ng pinto namin. May mga tumitingin tuloy sakin, di ko maitago yung smile ko dahil sa malamig na boses niya.

"Nye, Ikaw talaga. Basta! Kita kits! thank you CAV."

"Always welcome, dont forget your medicines. Hihintayin kita ha."

"Yup, sige na. Mag church lang kami, bbye."

"Bbye Hazel, pasabi din kay Kate."

"Uy, ano ba ate. Ahh? Kuya Cav?"

"Yep, ingat kayo. Bbye Kate,"

"Bye Kuya Cav!..........Bye Cav.."

"BBye" Nakangiti kong sabi.

*Villagracia Residence* - Ullyses

Bakit parang uminit yung pakiramdam ko sa tanong ni Cav, interesado daw ba ko kay Chi!? Hindi hindi hindi, Ang tirik lang siguro nung araw na yon. 2pm na kasi! Si Coleen... si coleen kasi talaga..

"Ano ba tong utak ko, puro C na nasa utak!" Naiinis kong sabi sa sarili ko, nasa tapat nako ng bahay nina Chi.

"Iho..?" May kumalabit na isang matanda sakin, kala ko Chix eh. Dami kasing maganda sa Village nina Cav....kasama na si Chi? Hala. Bakit ba nadamay pa siya?!

"Ano po yun Lola?"

"Hinahanap ko kasi tong adress na to, eh..naliligaw ata ako. Taga rito ka ba iho?" Pinakita niya sakin yung Papel. Nilapag niya yung gamit niya sa daan, dahil siguro mabigat nga. May dala rin siyang payong na nakabukas, dahil sabi ko nga tirik na ang araw dahil tanghaling tapat.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora