Chapter 15 - Sister

4.6K 38 45
                                    

Chapter 15 - Ranz

"Tita, may sakit po ba si Abby?" tanong ko ulit kay Tita Gwenn. Hindi nya kasi sinagot yung una kong tanong sa kanya nung nandito pa sila. Pakiramdam ko rin kasi may inililihim sila,kaya gusto kong malaman. Ayoko namang ipagsawalang bahala na lang kung ano ang nangyari kay Abby. Nag-aalala pa rin naman ako sa kanya. Kahit na wala na kaming relasyon sa isa't-isa.

"Ranz.." nakita kong bigla na lang tumulo ang luha ni Abby at ikinagulat ko yun. Ano bang nangyari, bakit nagkakaganun sya.

"Abby is fine, don't worry Ranz.." ang sabi naman sakin ni Tita Gwenn. Paano naging okay si Abby kung umiiyak sya?

Nilapitan ko si Abby at umupo naman sya sa pagkakahiga nya.

"Ranz.." niyakap nya akong bigla. Hindi ko naiintindihan, bakit nagkakaganun sya.

"Abby, may problema ba?" tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin sya sakin. Hindi ko sya niyayakap at hinahayaan ko lang syang yakapin ako.

"Miss na miss na kita Ranz.." lalo pang humigpit ang yakap sakin ni Abby.

I missed her too.

Pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yun.May girlfriend na ko. And that is cheating. Payakap na din sana ako sa kanya ng magsalita si Tita Gwenn.

"Abby, you have to rest. Go get some sleep,please.." sabi ni Tita kay Abby.Hindi ko maintindihan, bakit parang may itinatago sila.

"Ranz, h'wag mo kong iwan. Dito ka lang please?" nararamdaman ko ang mga patak ng luha ni Abby sa likod ng t-shirt ko.

"Enough Abby!" sigaw ni Tita Gwenn. Lumuwag ang pagkakayakap sakin ni Abby. Bakit ganun na lang ang pagsigaw ni Tita Gwenn kay Abby?

"Mommy, wag mong paalisin si Ranz please?" nakayakap pa rin sya pero maluwag na.

Hindi naman ako makapagsalita, ano bang dapat kong sabihin?Wala akong naiintidihan sa nangyayari ngayon.

"Sorry Ranz, but you have to go.." napatingin na lang ako kay Tita Gwenn. Pinapaalis nya ko?

"MA!!!" sumigaw si Abby na ikinagulat ko. Umalis na rin sya sa pagkakayakap sakin.

"Mommy, just for now. please.." humahagulgol na sya sa iyak.

Wala akong naiintindihan sa nangyari. It's like their hiding something from me. At sobrang naku-curious na ko kung ano yun. I want to know everything, pero sa tingin ko. Wala na ko sa posisyon,para alamin pa yun. Abby and I are not in a relationship anymore. Kahit hindi kami naging officially break noon. Pakiramdam ko pa rin hiwalay na kami dahil iniwan nya ko.

"Abby, aalis na ko. Babalik na lang ako.." sabi ko na lang kay Abby, kahit na humihikbi pa sya sa pag-iyak. Wala rin naman akong magagawa kung pinapaalis na ko ni TIta Gwenn.

"Ranz!" humawak sya sa kamay ko. "H'wag mo kong iwan please, H'wag mo kong iwan.." humihikbi pa rin sya ng sinasabi nya yun.

"Promise, babalik ako.." nasabi ko na lang sa kanya. Alam kong wala syang balak na bitawan ako. Pero ako na mismo ang nag-alis sa kamay nya.

*Before the recent happening* - Oli

"May number ka ba ni Coleen?" tanong ko kay Ully habang naglalakad kami.

"huh? Number ni Coleen?" napalayo sya ng konti sakin. "w- wala, pano naman ako magkaka-number nun? Hindi pa naman kami close nun eh." napakamot naman sya. Ano ba yan!Kala ko pa naman, lahat ng makilala nitong si Ully, eh hinihingan nya ng number. Ganun kasi sya sa mga fans nya sa School. Kahit hindi naman nya type kinukuha nya yung number eh.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon