Chapter 18 - Hazel

3.8K 31 39
                                    

Chapter 18 – Ranz

Hindi ko alam kung masasaktan ba ko sa ginawang yun ni Coleen. Pero di ko naman siya masisi, dahil hindi pa naman kami legal sa Daddy nya.

"Kuya, Kuya Pogi. Bilhan moko baloons." Hinahatak hatak pa ko ni Niana nun sabay turo sa matandang nagbebenta nung baloons, kakalabas lang kasi ng pamilya namin sa malapit na McDo sa simbahan.

"Teka lang Niana, kasi baka hanapin tayo ni Daddy." Tanggi ko, magtetake out pa kasi sila ng fries. Sina Chelseah at Nina naman, nag CR pa.

Sumimangot yung mukha niya nun, kaya binuhat ko siya. May parang pamilyar na dalawang lalaki naman yung nakita kong sumakay ng Jeep. Sina Ully at Biboy??? Sila Magsisimba??! Sabagay palasimba naman si Biboy, nung nasa province siya.

Si CAV lang naman ang nagbago, simula ng maospital yung kaibigan niya. Pero kahit papaano, nagsisimba din naman yun.

"Kuya Ranz, tara na!" Sigaw ni Seah na pasakay na ng van namin.

"Geh, dito na. Tara na Baby Niana." Ibinaba ko siya at hinawakan sa kamay, at sumakay kami ng kotse. MInsan na lang din kasi mag-kasama sama ng pamilya ko, dahil palagi na lang busy si Daddy.

Habang nasa sasakyan, tinext ko na din ang Chicser, para sabihing may gustong magguest samin sa mall ngayon.

Ayos din to ah. San kaya nila kami nakilala?? Tinext ko na din si Coleen, nagbabakasakaling baka pwede siya this day.

Babe, free k b??? pnta ka nmn Trinoma oh, 3pm sa event center :(

*Sa Jeep* - Ully

"Hoy Biboy!" Hinampas ko siya sa balikat, kasi ba naman hinatak na lang ako pasakay ng jeep. Kakausapin ko sana si Ranz.

"Ano??!"

"Badtrip ka naman eh! Bakit mo ko hinatak, itatanong ko lang naman kung okay sila ni Coleen. Tsss..."

"H'wag ka nga! Kalokohan mo talaga."

*Squuuuuessshhh* (Mabilis na paghinto ng Jeep na sinasakyan namin. Muntik pa kong mapunta sa unahan.

"Ang mabuti pa, ituro mo kung saan nagtatrabaho si Irish. Baka mas okay pa yun!" Binatukan nya ko bigla.

"Hindi na makatarungan yan!"

"Ituro mo na kase!"

Para kaming batang nag-aaway sa loob ng Jeep. Buti na lang konti lang yung nakasakay, nakakahiya kung ganun.

"Oo na po! Boss " Dumukot ako ng barya sa bulsa ko. "Bayad po, isang Manila East Med!" Napatingin na lang sya bigla sakin.

"Bakit isa lang!?"

"Magbayad ka ng iyo!" Dinilaan ko siya tsaka lumipat ng pwesto, pumunta ako dun sa may dulo ng Jeep.

"KURIPOT!" SIno kayang kuripot samin????

Naramdaman kong may nagvibrate sa bulsa ko. Nakita ko naman na galing kay Ranz ang text kaya tinignan ko kaagad...

May GT tyo, may event tyong pu2ntahan. Guest dw tyo. Trinoma @ 3pm

"Oy Bibs! Bro!"

Lumingon naman agad siya sakin. Pinakita ko lang yung phone ko, magkalayo kasi kami kaya parang nagets niya yung sinabi ko. Kinuha na din niya yung cellphone niya.

Napangiti din siya nung nabasa yung text.

"Maya na! Daanan na natin si Irish.." seriously?

"Psssh.."

*At the hospital* - Abby

"Kung yan ang gusto mo, at yun yung paraan maging maayos lang lahat ng plano namin sayo." Lumabas na si Mama ng kwarto ko, napangiti na lang ako sa pagpayag niya.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon