Chapter 41 - Sis

1.5K 30 14
                                    

Chapter 41 – Oliver

Umiling lang sya sa lahat ng sinabi ko, na lalong ikinasakit ng puso't damdamin ko. "Kalimutan mo na lang yun Oli, bumalik na tayo dun na parang walang nangyari. Sabihin natin kina Tita at Papa na, we just have a misunderstanding"

Pakiramdam ko ngayon, katapusan na talaga ng mundo ko. Na, sa haba ng paghihintay ko sa kanya. Ito lang pala ang mapapala ko. Masasaktan at mahihirapan lang pala ako.

"Coleen, please? Please? wag mo naman bawiin ang desisyon mo.." humawak ako sa dalawang kamay nya. "Di ba pumayag ka ng magpaligaw sakin?Sabihin natin yun kina Mama at Tito. I'm sure, maiintindihan nila tayo. P-please Coleen?Kung kailangan kong lumuhod, gagawin ko.. Gagawin ko lahat. " nanginginig na ko sa pagsasalita kong yun. Yung luha ko parang gusto ng bumagsak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.Parang nasusunog ang puso ko sa sakit.

Nakikinig lang sya nun sa sinasabi ko.Basang-basa kami sa ulan pero nakikita ko pa rin ang mga mata nya na papaluha.

"Oli, nagkamali ako. Kung alam ko lang na ganito. Kung alam ko lang.." tumungo sya nun at nakita ko yung pagkagat nya sa labi nya at pagpipigil ng luha nya. Ibinalik nya dakin ang tingin nya. "Oli, kalimutan na natin to. Ipagpatuloy na lang natin yung naging pagkakaibigan natin."napahinto sya."maging mag--bestfriends na lang ulit tayo." sa sinabi nyang yun, unti-unti akong napabitaw sa mga kamay nya.

"Coleen?" di ko na napigilang maluha. I just can't take the heartache.

"Bestfriend?" napatitig ako sa mga mata nya. Alam ko, nasasaktan din sya. Pero..

"Coleen, di mo ba narerealize na tadhana na mismo ang naglalapit satin? Dati, hindi ko talaga ineexpect na makikita ulit kita. Pero, nung mga oras na yun. Boyfriend mo si Ranz, naisip ko nun na wala na talaga akong pag-asa sayo. Kaya, pinili kong maging kaibigan mo, nagbakasakali akong magiging malapit pa rin tayo sa isa't-isa. At maipadama ko sayo kung gano ka kahalaga sakin. Pero, ganun ka lang siguro kadaling mahalin para ma-inlove ako sayo ng ganito.."

"Oli.. " malumanay nyang tugon sakin.

"Ang tanga-tanga ko nga siguro. Kase kahit papano umasa akong maging tayo." pinunasan ko ng polo ko ang luha ko.

"Oli, kalimutan mo na yung nararamdaman mo. Kalimutan mo na lang lahat ng nararamdaman natin." nakita kong humugot sya ng lakas sa huling sasabihin nya. "kalimutan ko na ring mahal mo ko higit pa sa kaibigan."

Bahagya akong napailing at napangiti sa sinabi nya. Siguro nga, hanggang pagmamahal na lang ng kaibigan ang kaya nyang ibigay. Pero, Kalimutan? Siguro nga, ganun kadali yun sa kanya. Pero para sakin hindi..

Inilabas ko yung box na naglalaman ng necklace na dapat ibibigay ko sa kanya sa dinner. Binuksan ko yun tsaka ko inilabas sa box yung necklace. Kinuha ko yung kanang kamay nya at inilahad ko sa kamay nya yung necklace.

"Kung yan ang gusto mo Coleen. Let's just forget about this. At kakalimutan ko na rin yung feelings ko para sayo." gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa mga nasabi ko. Nanggigigil ako at gusto kong manapak ng tao. Ayoko, ayokong sumuko. But, we had no choice. "kalimutan mo na ring mag-bestfriends tayo."

"Oli?!" may pasigaw nyang sagot sakin.

"Lance!"

"Coleen, anak!"

Pareho kaming napalingon ni Coleen. Nakita kong nakasunod na samin sina Mommy at Tito Gino. May dala silang payong habang papalapit samin. Di pa rin kasi nun tumitila ang ulan.

"Coleen, anak?Bakit ba kayo tumakbo palabas? Nabasa tuloy kayo oh." nakatingin lang kami sa isa't-isa ni Coleen nun. Pinupunasan ng Papa nya yung mukha nya ng panyo. "Lance, ano bang nangyayati sa inyo? May hindi ba kami alam? " tanong ni Tito Gino habang nakatingin sakin.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now