Epilogue

2.8K 29 11
                                    

Epilogue

Isang buwan ang nakalipas..

Sa harap ng altar ng simbahan ay magkasalubong sina Coleen at Oliver, nakangiti sa isa't-isa. Humawak si Coleen sa braso ni Oliver habang may hawak na bulaklak sa kaliwang kamay niya. They felt an awkwardness to each other, pero ang magagawa na lang nila ay ngumiti sa isa't-isa.

"You may now, kiss your bride." The priest said.

"Ganda talaga ng girlfriend ko!" Sabi ni Ully habang inaakbayan si Coleen ng makalabas na sila ng simbahan.

"Oy oy, tanggalin mo nga yang kamay mo sa kapatid ko." Sabay hawi ni Owy sa kamay nito.

"Joke lang naman mga bro,Uy ganda ng mga dress ah. Bagay sayo Alexia, Irish, Abby,Hazel at syempre kay Coleen lalong lalo na kay Chi! Nakanang!"

"Che!" Sabay palo ni Chi sa braso.

"Yiiiiieeee." Tukso ng barkada.

"Oy tumigil nga kayo, ikaw Chi ah sayang yung coat and tie ko." Sabay nguso ni Ully.

"Kuya yung necktie mo..." Pareparehas silang tumingin sa nagsalita.

Lumapit si Coleen kay Oliver at inayos ang necktie nito. "Kuya ano nga ba favorite color mo at damit?"

Umakbay si Oliver kay Coleen, na parang isang magkapatid lang. "Blue, at tsaka fitted na damit.."

"Fitted? Mahilig ka sa fitted kuya?"

"Ewan?" Kumibit balikat naman si Oliver.

Nagtinginan lahat ng magbabarkada. Alam nila, na kahit walang maalala sina Oliver at Coleen ay di pa rin nila maiwasang magtaka. Para bang, magkasundo na agad sila. Minsan, sinasaway nila si Ully na di maiwasang magumpisa ng tuksuhan.

Because Tito Gino want's this..

"Hayaan niyo na, kain na tayo. Gutom na ko eh." Sabi ni Cav.

"Yan ka sa hayaan, nung huli hinayaan mo din eh. Anyare?" Asar ni Ully.

"Oy oy, kayong dalawa baka simulan yan ng away. " Awat naman ni Biboy.

"Oo nga! kayo talaga. Parang mga bata." Giit naman ni Ranz.

"Mga isip bata kamo! Hahah!" Sabi naman ni Owy.

"Ully kase!" Sabay sabay na sabi ng girls. Nagtawanan naman silang lahat.

"Uy guys anong pinaguusapan niyo?" Tanong ni Oliver.

"Oo nga?" dugtong ni Coleen.

"Wala wala, tara na sa reception!" Aya ni Owy at sabay sabay naman silang nakarating gamit ang isang puting Van.

Silang lahat, hirap na baguhin at limutin ang bagay na naging memorable sa kanila. Malungkot man o masaya, kasama sina Coleen at Oliver..

Lalo na noong...

Mawalan sila ng ala-ala..

[FLASHBACK]

"I'm sorry to say this, but your daughter and your son are experiencing traumatic amnesia."

"What?Doc?! "

"Doc, is that temporary? Maibabalik pa ba nila ang ala-ala nila?"

"We can't say that for now, maaaring dumaan pa sila sa maraming test. But we think they can get their memories back. Don't worry; we'll do everything about it..."

Nagising na lang sila sa isang kwarto at pinapalibutan din sila ng kung sino-sinong hindi nila makilala.

"Nasan ako?" unang salitang lumabas sa bibig ni Oli.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now