Chapter 65 - The Proof

976 19 10
                                    

Chapter 65 – Oliver

"Oli naman eh.." nakanguso nyang sabi sakin, habang tumatawa-tawa lang naman ako at pilit kong inilalayo yung camera sa kanya.

Tumakbo ulit ako pabalik sa loob ng kwarto ko at patuloy pa rin naman si Coleen sa paghabol sakin. Paikot-ikot lang ako habang humihingal. Ganoon rin naman si Coleen, talagang ayaw nya kong tigilan.

"Coleen! Eto pag nakuha mo sakin. May sasabihin ako sayo." Nakangiti kong sabi sa kanya habang humihingal-hingal ako.

"Ano naman yun??" tanong nya, habang nakatayo lang naman dun sa harap ko..

"Basta! Kuhanin mo muna sakin to!Tsaka ko sasabihin.." nakangiting sabi ko sa kanya. Pinagpawisan na lang ako bigla..

I want to tell her na, gusto ko syang ipaglaban... I still love her...And I can't do anything to ignore this feelings...Hindi ko na kayang itago pa..

"EH! Pano ko makukuha! Ang hirap kaya!" nakasimangot nyang sabi sakin.

Sa oras na to, pakiramdam ko. Kaya nyang gawin lahat malaman lang yung sasabihin ko.

Nakatitig pa rin naman ako kay Coleen. Ang ganda ganda nya talaga, kahit na hindi sya nakangiti at simple lang syang manamit. Lumalabas pa rin ang kagandahan nyang panlabas at panloob.

"Oh? Tititig ka na lang?" pang-aasar ko.

"hindi no!" naningkit bigla ang mga tingin nya sakin... Bigla syang nagstep forward kaya napa step backward kaagad ako. Napapa-step backward ako kada forward nya sakin.

"Coleen anong plano mo?" tanong ko sa kanya, habang dahan dahan akong napapastep backward at dahan-dahan din syang umi-step-forward sakin.

"Bakit? Natatakot ka sa plano ko?" nag-make face naman sya na parang mangangain ng tao. Di ko alam, na kayang gawin pala to ni Coleen.

"Hi- Hindi ah!"

"Te-Teka!"

Sobrang lapit na naming dalawa sa isa't-isa. Yung puso ko, kulang na lang atakihin ako sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Oli" tinignan nya ko ng masama. "Akina yung camera!" dinamba naman nya ang camera sa kamay ko habang taas taas ko ito.

Hindi ko binitawan yung camera, hanggang sa di ko na namalayan ang sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Halos 3 inches na lang ang layo ng mga ito.

I can even feel her deeply breathing habang nakatitig ang mga mata namin sa isa't-isa.

"I- I love you—Coleen."

Bigla na lang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko habang nakatingin ako sa mga mata nya. Hindi naman sya sumagot dito, I can even see her face turning red.

Sa oras na yun, habang nakikita ko rin ang labi nya.

I really wanted to kiss her...

At ng nakita kong ipinikit ni Coleen ang mga mata nya, namula na rin ako at unti-unti akong lumapit para halikan sya..

"Coleen."

Bigla na lang akong napamulat.

"Ms. Garcia. Will you answer this question? At the board please?"

"Yes ma'am" nakita ko namang tumayo si Coleen na nasa katabi ko.

Nanaginip ba ko? Tsk! Yeah right Oli! Napuyat ka kakaisip sa nangyaring yun kahapon! Muntik na kayong mahuli ni Coleen!

Pano bang hindi mawawala sa isip ko yun? Sobrang kinabahan ako nung nakita ko si Tito Gino tapos, wala pa kong kakampi dito sa nararamdaman ko para kay Coleen. Puso ko na lang yata ang nakakaintindi sa nararamdaman ko ngayon eh.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now