Chapter 37 - Courting

1.9K 34 47
                                    

Chapter 37 – Abby

Nagkita kami ni Ranz sa mall, gaya ng sinabi ko sa kanya sa text.

"Abby, bakit wala ka yatang kasamang mga bodyguards ngayon?" Lumingon-lingon sya para hanapin yung mga bodyguards na palagi kong kasama, o yung naghahatid sundo sakin sa school.

"wala akong kasamang bodyguards ngayon Ranz.." napakunot yung noo nya. Siguro naisip nya na baka tumakas na naman ako. "no.. it's not what you think..Hindi ako tumakas.. nagpaalam ako kay Mommy na makikipagkita ako sayo "

"Pinapayagan ka ng lumabas mag-isa? Ibig sabihin hindi na matutuloy yung fixed marrige mo Abby?" nakangiti pa sya nung binanggit nya. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa narinig ko mula sa kanya.

Kase, ang totoo.. Kaya ako pinayagan ni Mommy ngayon dito ay dahil nakipag-deal na ko sa kanya.Nakipagkita ako kay Ranz ngayon dahil gusto ko ng magpaalam at magpasalamat sa kanya..

"Hindi Ranz, gusto ko lang--" napahinto ako. Nahihirapan pa rin akong magpaalam sa kanya, kahit tanggap ko na..Siguro, di lang siguro ganun kadali magpaalam sa taong mahal mo. Sa taong ginawa mo lahat para lang makasama.

"Uhmmm.. Ranz, gusto kong... magpasalamat sa lahat. Kahit na, nasaktan kita noon dahil sa pag-alis ko.. Nagawa mo pa ring kaibiganin ako. Kahit na nilagay kita sa sitwasyon na mahirap rin para sayo.. Thank you for everything Ranz ." napatingin sya ng kakaiba sakin.

"Bakit mo sinasabi yan Abby--?" naputol ko naman kaagad ang sasabihin nya.

"at higit sa lahat.... salamat sa..." sumikip yung dibdib ko sa sasabihin ko sa kanya ngayon.. "salamat sa pagmamahal na binigay mo sakin, sa inyo ng mga kabarkada mo. Sa Chicser, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat, dahil naging mabuti kayong kaibigan sakin." pinipigilan kong hindi maluha sa harap nya,para isipin nyang matatag na ako, para harapin ang sarili kong problema.

"Abby?" napatitig lang sakin si Ranz. Siguro naiisip nya na rin kung ano yung sasabihin ko sa kanya..

"I give up Ranz. Wa-" napahinto ako para humugot n glakas sa sasabihin ko ngayon. "Wala na rin kasing mangyayari kung pipilitin ko pa ang sarili kong tumakas sa sarili kong kapalaran. I mean, tadhana ko na talagang ikasal sa taong never kong minahal.." Pinilit kong ngumiti... "at isa pa, na-realize ko na, I can't defend on you.. May sarili ka ding problema. Lalo na kay Coleen, you still loved her Ranz. Alam ko yun, nararamdaman ko. Kaya Ranz, pilitin mong bumalik sa kanya." mahal na mahal ko pa rin si Ranz hanggang ngayon, alam ko sa sarili ko na hinding hindi magbabago yun. Kahit na maikasal na kami ni Zayn. I would still love him no matter what.

Hindi ko alam kung bakit hindi makapagsalita ngayon si Ranz. Siguro naisip din nya na tama ako. Na tamang tumigil at sumuko na ko.. Wala na kaming magagawa.

"Abby, I'm so sorry.." yun na lang ang nasabi ni Ranz..

"Hindi mo kailangang humingi ng sorry Ranz. Dapat nga maging masaya ka na, dahil wala ng Abby na gugulo sa isip mo..Kase Ranz, pinapalaya na kita.." napayuko na lang bigla si Ranz. Di ko mahulaan kung anong iniisip nya ngayon. Malungkot ba sya sa pag-alis ko? SIguro Oo? Pero hindi na siguro kagaya nung una ko syang iniwan. Siguro hindi masakit ngayon para sa kanya dahil kaibigan na lang naman ang turing nya sakin.

"Abby... ikaw na lang yung taong pinakamalapit sakin ngayon.. kaya.. " iniangat na nya ang ulo nya at tumingin sya sakin.. "Abby please, I want you to stay...." sinabi nya yun habang nakatingin sa mga mata ko. Ikinagulat ko rin yun, pero sinubukan ko pa ring tumanggi sa kanya.

"Pero Ranz, nakapag-usap na kami ni Mommy. Last ko na tong pakikipag-usap ng sarilinan sayo. Sa Sembreak, babalik na kami ni Mommy sa Amerika. I have no choice Ranz, kailangan ko ng sundin sila." sinabi ko sa kanyang lahat kung ano ang mga napagkasunduan namin ni Mommy.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now