Chapter 10 - How to court?

4.8K 42 76
                                    

Chapter 10 - Coleen

"Pa!"Yumakap ako kay Papa,pagkadating na pagkadating palang niya.

"Goodevening Princess, kumain ka na ba??" Alas otso palang naman kaya natiis ko pa.

"Di pa po, kaen na tayo. Puhleaasee." Nagpacute pa ko sa Papa ko. Alam kong pagod siya, pero pinilit ko pa ding magkasabay kami. Minsan na lang din kasi kami magkasabay kumain eh.

"Osige na nga, kahit na nakakain na ko." Sabi ni Papa sabay gulo ng buhok ko.

"Papa talaga!" nakasimangot na sagot ko sa kanya at ngumiti lang naman sya.

"O sige, magpapalit lang din ako ng damit. May pag-uusapan tayo."

"Sige po" dumeretso naman ako sa kusina para maghanda na din. Narinig ko pa yung pagyabag ng paa ni Papa na papaakyat ng hagdan. Naghanda lang ako ng makakaen namin, malamang tulog na si Manang, Matanda na din kasi, kaya ayaw ko na siyang istorbohin pa.

"Ano kayang sasabihin ni Papa?"Bulong ko sa sarili ko. Umupo na ako at magkalapit kami ng kakainan. After 5 minutes, bumaba na din si Papa. May hawak siyang kung anong envelope ata yun.

"Ano yan Pa??" Tanong ko ng makita ko yung envelope sabay turo pa. Umupo naman siya sa tabi ng upuan ko at ipinatong yung envelope sa bakanteng upuan.

"Let's pray muna anak."Ngumiti siya sakin, nakakapagtaka naman si Papa ngayon. Parang di ata nag-iingay.

"Bless us, O Lord, and these Thy gifts which we are about to receive from Thy bounty, through Christ our Lord. Amen." Ngumiti ako ng malapad, pagkatapos ay tumingin ulit kay Papa.

Nung nagsimula na kaming kumain mga after 5 minutes na lang ulit sya nagsalita.

"Anak, may pabor ako sayo. Okay lang ba??"Agad akong napalingon sa kanya, uminom pa muna ako ng juice bago ulit magsalita. "Sige po." Sagot ko.

"Alam mo namang, ikakasal na kami ng Tita Ivy mo. Di ba?" Tumango lang ako. "At alam mo ding may anak siya, na tatlo." Tumango ulit ako at ngumiti."Ang gusto ko lang mapalapit ka din sa mga anak niya, gaya ko. Gusto ko makilala niyo ang isa't-isa at magturingan kayong parang tunay na magkakapatid." Ibinaba ni Papa yung kutsara at tinidor niya.

"Uhm, Okay lang naman po Papa. Kaso di ko pa po sila nakikita, paano kami mag-kakaayos?" Sumubo lang ulit ako ng isa pa at pagkatapos kumuha ng ubas.

"Simple lang.." Humawak siya sa likod ko. "Mas maganda kung lilipat ka na." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa.

"Teka, teka pa! Saan?" Sayang candidate pa naman ako samin bilang valedictorian at hindi ko pa nasasabi yun kay Papa dahil gusto ko syang sorpresahin.

"Sa MountWest Academy. Tutal malapit na din satin yun." Ngumiti naman si Papa pagkatapos ay uminom. Kinuha niya yung envelope na nasa tabi niya.

"MountWest?Yes pa!" sagot ko kay Papa habang nakangiti. Doon din lilipat si Chi kaya siguradong magkakasama kami.

"Aba, buti naman anak pumayag ka. Huwag kang mag-alala may magpoprotect sayo dun. Nandun yung dalawa mong kapatid, kaya okay lang sakin. Tsaka baka nagsasawa ka na sa school niyo, ako lang ata ang nagiisang lalaki sa buhay mo."

Bigla namang sumagi sa isip ko si Ranz, until now hindi pa rin alam ni Papa.

"Thank you Pa..Excited na ko!" Pagkatapos nun ay niyakap naming ang isa't-isa.

*Manila East Hospital* - Hazel

Napalingon ako sa pinto ng hospital room ko ng may narinig akong nagbukas nito. Wala kase akong naiisip na kung sinong pwedeng dumalaw sa akin ngayon, nasa trabaho sila Mama at Papa, si Kate naman ay nasa school pa.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now