Chapter 14 - Number

3.9K 37 11
                                    

Chapter 14 - Biboy

Ang labo talaga nung babaeng yun, di man lang niya ko nakilala. Siguro stalker ko yun, kaya lagi kaming nagkikita.

Aish! Biboy! Ano ba yang iniisip mo imposible!

Masundan na nga lang tong si Isnabera, este si Kate pala...Nakakacurious, malay niyo sinusundan talaga ako. Nung papaliko na siya bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Nagtago naman ako. Mamaya ako pa pagkamalang stalker niya eh. Mahirap na.

Teka.. parang ako yung nagiging stalker nito eh? Basta hindi, curious lang ako sa kanya.

Nakita ko siyang pumasok sa room 401, it means same floor lang kami. Room 409 kami, magkabilang dulo lang pala.

"Kate... Ano yang bitbit mo?" dinig ko sa loob ng kwarto.

Sumilip ako at nakita ko ang isang babae na nakahiga sa kama niya, malamang siya yung pasyente. "Pinapabigay sayo ni Mama, Ate Hazel." Binigay naman niya agad yung parang notebook. Hazel?pamilyar yung pangalan nya.

"Para saan??" Tanong nung babae.

"Simula ngayon daw, sa sarili mo magsusulat ka kung anong gusto mo dyan, kung ano-ano daw yung nararamdaman mo or may gusto kang hilingin. Bahala ka na ate. Kumaen ka na ba?? Nasaan yung nagbabantay sayo dito?? Bakit wala?? Ano ba tong ospital na to" Ang daldal din pala, pero ang sungit pa din talaga kahit sa kapatid niya.

"Salamat." Ngumiti naman yung babae, parang ang saya saya pa din niya kahit nakaratay na siya dun. Ano kayang sakit niya?Tsaka bakit parang nakita ko na sya? "At ipapakita ko kay Cav kung mapuno ko man." Dugtong pa niya.

Cav?Rare ang nickname na Cav, sino kayang tinutukoy niya? Si Hazel ba yan!?

"Cav na naman." Angal naman ni Kate. Naramdaman kong may kumalabit sakin habang nakasilip lang ako. Sino ba tong kumakalabit sakin??? Hawi ako ng hawi pero patuloy lang sya sa pagkalabit sakin.

"Ano b..-?!" Napatigil ako pagharap ko. "He-hello!" Bati ko na lang dun sa cute na nurse na siyang kumakalabit pala sakin.

"Sir, kilala niyo po yung pasyente?" Tanong nung nurse sakin habang nakaturo sa loob ng room.

"Ha,hi-hinde ah! He-he-he." Tumawa ako at dahan dahang lumakad palayo.

"W-wait! Sir!" Tinawag niya ko pero di ko na siya nilingon nun. Tssk. Wag naman sana niya kong isumbong.

*At the Mini-Stop* - Ully

"Ako nga pala si Irish, kaibigan ni Biboy..." Napaisip pa ko sa sinabi niya. Isang Biboy lang naman kilala ko eh. Siya nga siguro yung nasa picture na nakita ko nong isang araw!

"Irish?? Wow! Nice to meet you!" Inextend ko yung hand ko pero di niya ito pinansin.

"Im sorry sir, im on my work. Mamaya na lang po." Ngumiti naman siya sakin.

Sayang!!

Nilapitan ko muna siya at hinintay ko yung tyempo na walang magbabayad sa cashier.

"Ikaw nga yun! Nakita na kita sa picture Irish, paano mo ko nakilala??" Tanong ko sa kanya habang siya naman nakatingin lang sa dati niyang pwesto.

"Kaibigan po niya ko sir, minsan po nagkekwento siya sakin. Tsaka minsan, pinapapanood din niya sakin yung video's niyo. Akala ko nga beatbox lang ang kaya niya, magaling din pala siyang magsayaw."

"Oo naman, hmm.Ully na lang.." Lumingon siya sakin at ngumiti. Inextend ko ulit yung hand ko, para magshakehands kami.

"Psst! Nangchichicks ka na naman Bro." Napalingon kaming dalawa dun sa sumitsit.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now