Chapter 48 - C?

1.2K 21 6
                                    

Chapter 48 – Coleen

Ano bang pumasok sa kokote ko at sinabi ko yun sa kanya? Ni hindi ko nga lam kung ano ang isasagot niya. Ang confident ko kasi ata masyado, na papayag siya sa hiling ko. Hindi rin naman alam to ni Kuya, pero di ko na lang sasabihin. Kahit kunwarian lang, isang araw lang naman eh.

Natahimik kami ng limang minuto, hindi siya sumasagot. Nakatungo lang siya habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa kabilang upuan ng Cable car.

"I-I'm So-s.." mag-sosorry na sana sya ng pigilin ko sya.

"Payag nako."

"H-ha?" gulat na sagot nya.

"Oo payag na ko Oli, ngayong araw lang na to..." Napakagat siya ng labi, parang nahihiya siya sa sagot niyang yun.

"Hindi ko naman pinipilit to.."

"Pero pumayag nako.." Napangiti ako, tinaas ko ang kamay ko na para bang magaappear kami.

"Thank you Coleen, promise. Bukas, tatanggapin ko na lahat. Kung ano bang mangyayari satin talaga, let's just forget it today." Itinaas niya na rin ang kamay niya at inintertwined sakin. Ngumiti siya sa dulo. Gusto ko ngayong araw na to..

Sulitin ang araw kasama siya, kagaya ni Cinderella na may time limit ang pagiging mala-prinsesa.

Magkahawak pa rin kami ng kamay, umaandar pa din ang cable car. Hindi katulad ng zip line, na mabilis ang andar.

"You know Coleen.." Humigpit ang kapit namin sa kamay. "Mahal na mahal pa din kita."

"Gaano ba kalaki yang pagmamahal mo?" Tumawa siya bigla. Natuwa naman ako dahil nawala na bigla yung awkwardness namin. Pipilitin namin kahit ngayon lang, back to normal ang lahat.

"Ahhh, Eh kasing laki ng uuuuuuuniverse!" Tumawa rin ako.

"Mahal na mahal din kita kasing lawak ng uuuuuuniverse!" Paggaya niya sakin with matching hand gestures pa.

"Ayan, malapit na tayo! Hawak ka sa kamay ko, aalalayan kita pagbaba." Sa totoo niyan, di pa kami nagbibitaw ng kamay eh. At masarap iyon sa pakiramdam. Sana ganito na lang kami..

"Hmm..Sige, tara.."

*After riding the Zip-line* - Owy

Paalis na sana kami, pero nakita naming pababa si Oli sa may Cable Car. May humawak sa kamay niya nung pababa rin...hindi na rin naman ako nagulat, dahil sila lang naman ang naiwan sa kabila. Pero? Magkasundo na ba sila? Bakit magkahawak pa rin ang mga kamay nila?

"Owybabe, hayaan mo na.. Tara!" Hinawakan ni Alexia ang braso ko, tsaka hinatak. Nauna na kasi yung dalawang couple Love birds, Si Biboy at Irish. Tapos si Ranz at Abby. Si Chi naman at Ully, di ko alam kung anong meron sa kanila. Inaasar kasi ni Cav eh. Si Cav naman, nakisabay na rin sa kanila. Tapos si Diana at Catherine nasa likod lang namin.

Hindi rin naman kasi nila alam kung saan pupunta, kaya napunta kami sa isang park. May mga kabayo doon sa malayo, at meron ding mga nagtitinda sa malalapit. Kokonti lang ang tao, umupo sila dun sa dalawang hanay ng upuan. Parang waiting Shed ata yun?

"Oh ano? Masaya ba?" Tanong ni Alexia. Kaming dalawa lang yung nakatayo. Hawak pa rin niya ko sa braso niya. Minsan nakakahiya na rin eh.

"Naman! Si Chi nakapikit lang, nakita ko! Di mo naman inenjoy eh." Binangga ni Ully ng konti ang braso ni Chi. Nagulat naman si Chi, pero hindi na lang niya pinansin.

"Sus, eh di ibig sabihin tinititigan mo siya habang nasa zipline kayo kanina? Haha!" Oo nga noh? Ang utak talaga ni Cav, lakas ding mang-asar eh.

"O-oy! Hindi ah!"

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें