Chapter 57 - Do you like me?

1.2K 23 17
                                    

Chapter 57 – Owy

Matapos naming dumalaw sa puntod ni Daddy kasama sina Coleen at ang Daddy nya na si Tito Gino. Naglunch kami ng sabay-sabay sa isang restaurant.

"How's the food?" napalingon naman ako kay Tito Gino.

Tumango-tango naman ako. "Ok naman po." Nakangiti kong sabi.

"That's good son. " sabi naman ni Mommy at napatingin sya kay Oli. "Lance, bakit parang kanina ka pa tahimik?" tanong sa kanya ni Mommy na katapat nya lang naman. Nasa gilid nya si Onin at nasa gilid ko naman si Coleen na napatingin lang din kay Oli.

"ahh.. um. Wala po Ma." Nakita kong sumaglit sya ng tingin kay Coleen. "may iniisip lang po ako."

"Are you thinking about your girlfriend?" sa gulat ko sa tanong ni Tito Gino, nabulunan at napainom ako ng tubig.

"Hon, wala pang girlfriend si Lance." Sagot ni Mommy habang nangingiti.

"O- Oo nga po Tito! Haha!" sarkastikong tawa ni Oli. "tsaka imposible po yun." Napatingin naman ako kay Coleen. Nakatitig lang sya nun kay Oli, at parang kinabahan din sa tanong ng Daddy nya.

"Bakit naman imposible? Di ba sikat yung grupo nyo sa school, and in other schools. Maging sa social media, nakabasa na din ako ng article sa inyo sa dyaryo na nagguest kayo sa isang event sa mall. Kaya naman di imposible na wala kang girlfriend." Sagot naman ni Tito Gino kay Oli.

"Siguro nga Tito, pero wala pa siguro sa isip ni Oli na magka-girlfriend ngayon. Tsaka wala naman akong nakikita na nakakasama nyang ibang babae." Sagot ko kay Tito at nabaling naman sakin ang pansin nilang lahat. "Tsaka hindi naman kami naglilihim kay Mommy, tungkol sa mga bagay na ganyan. Kapag nagkakagirlfriend kami sinasabi kaagad namin kay Mommy."

"He's right Hon, ganun sakin sina Lance at Louis. Wala silang itinatago sakin." Nakangiting sabi ni Mommy kay Tito Gino.

"O- opo Tito, ganun kami kay Mommy." sarkastikong ngiti ni Oli at sumubo ulit ng kinakain nya.

"hmm.." sagot ni Tito Gino. Pagkatapos nun, tahimik na bumalik lang kami sa pagkain.

Matapos naming magtanghalian, tumuloy naman kami ni Oli sa bahay nina Hazel para makiramay. Isinama na rin namin si Coleen para makiramay na din. Nadatnan namin sila CAV, Ully, Biboy, Ranz at Abby. Nandun din naman sila para makiramay kay Hazel. Tumabi lang din kami kina Ully. Matapos ng mga ilang oras, sabay-sabay na din naman kaming nag-uwian. Dahil may sasakyan kaming dala nina Oli at Coleen nakisabay na rin samin sina Ully, Biboy at CAV. May sundo naman sina Ranz at Abby at iba ang way nila kaya naman samin na lang sumabay sina CAV, Ully at Biboy. Naunang inihatid ng kotse namin si Coleen kaya naman naiwan kaming lima dun sa kotse.

"Nasan si Alexia? Di nyo ba na-invite pumunta?" tanong ni CAV na katabi ni Ully at Biboy sa likod.

"Ewan ko ba dun, simula nung natapos ang bakasyon natin nun sa tagaytay. Hindi na rin nagparamdam samin ni Kuya. Kahit text wala eh." Dinig kong sagot ni Oli. Kahit hindi nya nababanggit sakin si Alexia. Napapansin din pala nya.

"Himala ah! Owy, anong ginawa mo para lubayan ka na nyang president ng fansclub mo?" natatawang sabi ni Ully.

"Baka naman nagkatampuhan lang sila." Narinig kong sabi ni Biboy. Wala pa rin akong imik habang nakaupo ako dun sa kotse.

"Uy, Kuya?" napatingin ako kay Oli.

"huh?"

"tulala ka dyan?"

"ahh.. ano yun?" nagtataka kong tanong kay Oli. Kahit na narinig ko naman yung mga pinag-uusapan nila.

"SI Alexia, kako—hindi na nagpaparamdaman, after nung bakasyon natin. Ni hindi na nga rin sumisilay yun sa veranda eh. Di ka na rin tinatanong sakin, di na rin sya active dun sa fanpage mo sa facebook. Yung ibang admin na lang ang kadalasang magpost dun eh." Pagsasalita ni Oli habang nakatingin sakin. Alam ko naman lahat ng yun, dahil every day kong chinecheck kung mag-oonline sya. Pero ni isang beses di ko sya nakitang online. At kahit na kapitbahay lang namin sya. Di ko rin sya nakikita sa subdivision.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now