Chapter 20 - Introduction

3.5K 25 39
                                    

Chapter 20 - Kate

"Ate Hazel!" Umupo ako para harangan yung mga tao, natulak ata si Ate gawa ng maraming tao ang nasa loob ng Event Center ngayon.Nakita kong tumigil saglit yung mga tao, at pinagkumpulan kami. Nagulat na lang ako nung mismong si Kuya Cav na ang nasa harapan ko.

"H-Hazel?!" Napaupo agad siya bigla at hinawakan si Ate para buhatin.

"..." hindi nagsalita si Ate Hazel, pero alam kong masakit yun. Matulak ba naman siya, para tuloy kaming nastampede.

"Anong nangyari KATE?!" Napasigaw siya, alam kong sa mga oras na to sobrang nag-alala si Kuya CAV.

"Hindi ko alam Kuya Cav." Hindi na siya nag-dalawang isip pa at binuhat niya si Ate.

"Cav teka ibaba mo ko!" Sigaw ni Ate Hazel.

Nakita ko na kasama niya din yung tatlong kaibigan pa niya at isang babae, hindi ko na din sila napansin dahil sa sobrang dami ng tao. Dumeretso na lang kami ng Clinic.

*Before the recent happening* - Cav

"Okay ka lang Hazel?" di ako mapakali habang nakaupo kami sa isang clinic sa Mall. Pinagpapawisan na nga ako kahit malamig naman talaga.

"Okay lang ako.." Ngumiti ito.

Hindi ko alam na nakalabas na pala siya ng Ospital. At Masaya ako dun, kahit na hindi pa nasabi sakin ni Kate. Tumingin ako kay Kate, na nakayuko naman sa kinauupuan niya.

"Okay lang ba siya? May sakit siya??" Tanong nung kaibigan ni Biboy. Lumingon ako sa kanya at ngumiti lang sabay umiling.

"Sorry Kate..tsaka sorry din Hazel."

Nakakaguilty, dahil sa pagkakagulo ng maraming tao kanina. Nabangga siya ng kung sino. Tss. Upakan ko kung sino man yun.

"Nagugutom ba kayo?? Gusto niyo bumili muna ako ng pagkain??" Pag-iinsist ni Biboy.

"Wag na." Bulong naman ni Hazel.

"Kate, ikaw gusto mo?" Medyo inangat niya ang ulo niya. "Hindi na, okay lang ako Kuya Cav. Uuwi na din kami.."

"Ah.. a-no." Tumayo ako saglit. Napalingon silang lahat sakin.

"Hazel, Kate, si Ullyses at Owy tapos si..?"Napaisip pa ko sa pangalan nitong si...

"Irish.." Dugtong nung Irish.

"Irish.." Kumaway naman ito ng maliit at ngumiti.

"Hello." Pagbati ni Owy

"Mga kaibigan ko, tsaka pala si.." Napakunot ang Noo ni Kate nung ituro ko si Biboy.

"Kilala ko na siya.." sabi ni Biboy kaya medyo napatingin kami sa kanya lahat. Paano?

"Oo, magkakilala na kami. Ano nga ulet name mo? " Tanong ni Kate. Eh akala ko ba magkakilala na sila??

"Biboy." Mukhang di maganda yung Aura ni Kate kay Biboy eh.Pero hindi ko akalain yung sumunod na ginawa ni Biboy.

"Biboy Chua." Inextend niya yung hand niya para kay Kate.

Pero tinitigan lang ni Kate yun...Napalingon na lang kami sa isa't-isa ni Ully.

Never...Si Biboy???

*Before the recent happening* - Abby

"Sorry, Excuse me." Tumayo ako sa kinauupuan ko, di ko lang kinaya yung pinagkekwentuhan nila ni Zayn. Kung san daw ba kami titira, ilang anak? Hay...

Nakakabadtrip talaga! Talagang papasok din siya sa school namin??

"Abby get back here." Hinawakan ni Mama yung braso ko. "Kapag hindi ka bumalik, mapipilitan akong pabantayan ka pa sa mga bodyguard mo sa school, gusto mo ba yon ha?" Pabulong saking sabi ni Mama.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now