CHAPTER 1: REAL ENCOUNTER

1.8K 136 80
                                    


Reyden

Sa roofdeck ng ospital.

Nakita ko ang patakbong si Mia na tinatawag ang aking pangalan. Nang makalapit siya ay napansin kong hindi siya si Mia; may nakikita akong iba! Isang hugis ng babaeng hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.

Sumusunod sa ihip ng hangin ang itim na itim niyang buhok. Nagniningning ang bilugan niyang mga mata. Hindi ko maaninag ang kabuuan ng kanyang mukha kahit nasa harapan ko na siya.

Nawala ang babae.

Napunta ako sa isang madilim na lugar, ang junkshop kung saan namin iniwan si Mia. Nangyayari na naman ang nangyari noon; yakap-yakap ko si Mia pero hindi siya si Mia.

Anong nangyayari? Bakit parati kong napapanaginipan ang tagpong ito.

Bumulong ang babae. Napakasarap pakinggan nang sabihin niyang mahal niya ako. Sinabi niyang hintayin ko siya; sinabi niyang siya si Nina!

---------------------------------------

Napabalikwas ako sa kama! Dilat na dilat ang mga mata kong nagising mula sa pagkakatulog. Agad akong huminga nang malalim para pakalmahin ang mabilis na tibok ng aking puso.

"Nina!" Usal ko sa gitna ng aking paghingal.

Marahan akong bumangon at umupo sa gilid ng kama sabay sapo sa aking ulo gamit ang magkabila kong kamay. Ginulo ko ang aking buhok na para bang kunsumidong-kunsumido ako.

"Arrghh! Bakit ba hindi pa rin kita makalimutan?" Reklamo kong sambit sa aking sarili.

Halos magdadalawang taon na ang nakalipas nang umalis si Celine. Hanggang ngayon ay nasa Australia pa rin siya at hindi pa bumabalik. Matagal ko nang tanggap na magaling na siya at hindi na muling lalabas si Nina. Nakatatak na rin sa isip ko na magkapatid kami at wala na akong magagawa pa para baguhin iyon!

Pero bakit hindi pa rin kita makalimutan, Nina? Pangalan mo pa rin ang parati kong naaalala. Parati kang pumapasok sa panaginip ko na parang pinapaalala mong hintayin kita. Pakiramdam ko nababaliw na ako ng dahil sa'yo.

Ang paulit-ulit na panaginip na nakikita ko at ang anyo ng isang babaeng iba kay Celine at kay Mia; minsan hinihiling ko na sana ay totoo siya; na sana siya si Nina!

Tumayo ako at binuksan ang tokador. Kinuha ko mula rito ang nakapatong na relong regalo ni Dad. Alas singko pa lang ng madaling araw.

Napabuntong hininga ako. Katabi ng relo ay ang luma kong wallet kung saan ko inilagay ang kapirasong papel na bigay ni Mia. Binuklat ko ang wallet at hinugot ang nakasilid na papel.

Napakamot ako ng ulo. Apat sa nakasulat na pangyayari ay nagkatotoo na, dalawa na lang at magkakatotoo na na ang pangalan ng soulmate ko ay hindi Nina. Kung sakaling totoo ito at makilala ko ang babaeng nakasulat sa papel, siguro naman makaka-move on na talaga ako sa pangalang Nina.

---------------------------------

Maaga akong lumabas ng condo at dumiretso sa isang coffee shop. Umorder ako ng isang Café Latte at umupo sa bandang bintana. Nakakaisang higop pa lang ako sa mainit na kape nang mag-ring ang aking cellphone.

Nakita kong tumatawag si Sam, isa sa mga engineers sa project na hawak ko ngayon.

Sinagot ko ito.

"Wait, what?" Kunot-noo kong tanong nang biglang mag-choppy ang linya.

Agad akong tumayo at lumabas ng coffee shop para sumagap ng mas maayos na reception.

Bahagyang nag-init ang ulo ko nang i-report niya na mali ang specification ng mga materyales na dineliver sa project site kahapon.

"I told you to check the specifications yesterday!" Nagpipigil kong singhal sa kanya.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon