CHAPTER 6: So Attracted

1.2K 98 32
                                    

Reyden

Malapit na kami sa kanto kung saan niya sinabing sasakay siya ng jeep. Sabay kaming napatakip ng ilong nang madaan sa parte ng kalsadang may bumubulwak na tubig kanal.

Napalalim ang iniisip ko kung pipigilan ko ba siyang sumakay ng jeep at yayayain na lang na tumuloy na kami sa coffee shop.

Nabigla ako nang hatakin niya ako. Mula sa aking kanan ay umikot siya at humarang sa aking kaliwa.

"Waahhh!" Tili niya nang tumalsik ang mabahong tubig sa amin na nasalo lahat ng kanyang damit.

Mabilis na humarurot ang taxi na walang pakialam na may natilamsikan siyang tao sa sidewalk. Napatitig ako sa parang estatwa na si Nina. Diring-diri siyang nakatayo habang hindi maipinta ang kanyang mukha.

"Sigurado ka bang babae ka, bakit ang hilig mong humarang?" Gulat kong tanong.

Napangiwi siya. "Sayang naman kasi ang damit mo kapag nabasa; mukhang mamahalin eh." Biro niyang sagot.

Napangisi ako. Ano bang klaseng babae ito!

Hinawakan ko ang dulo ng kanyang hoodie.

"Just take it off." Suggestion ko para kahit papano ay hindi dumikit sa kanya ang amoy.

"No, no, no!" Pigil niya.

"Why?" Taka kong tanong.

Ngumiti siya sabay kagat ng kanyang labi. "I'm not wearing anything inside!" Pilya niyang sagot.

Napababa ang tingin ko sa kanyang dibdib. Naramdaman kong namula ang aking mga pisngi. Agad kong binitawan ang kanyang damit.

Tumawa siya. "Relax, I'm wearing a bra!"

Napangiwi ako sabay kamot ng aking ulo. "Come on, nasa kabilang kanto lang ang condo ko; you can wash up there." Alok ko sa kanya.

"That would be a great idea!" Agad niyang pagsang-ayon.

Nakarating kami sa unit. Pinagbuksan ko siya ng pinto at inihatid sa guess room.

"You can take off your clothes over there." Sabi ko sabay turo sa bathroom.

Iniwan ko muna siya sa loob at tumungo sa aking kwarto para mangalkal ng t-shirt na pwedeng magkasya sa kanya. Nakahanap ako ng isang puting round-neck shirt na pinakamaliit na para sa akin. Bumalik ako sa guess room.

Nadatnan ko siyang hinuhubad ang kanyang hoodie. Bahagya akong napanganga nang makita ko ang magandang hubog ng toned niyang balikat at ang perfect na kurbada mula sa kanyang likod pababa sa kanyang beywang.

Sinong mag-aakalang may itinatago siyang magandang katawan sa loob ng maluwag niyang damit?

Hindi ako gumawa ng ingay at patuloy ko lang siyang pinagmasdan.

-------------------------------------------

Nina

Ngingiti-ngiti ako nang yayain ako ni Reyden sa kanyang condo. Sa totoo lang ay ayoko pang umuwi dahil gusto ko pa siyang makasama. Alam kong magkikita naman kami mamayang 9am sa coffee shop pero nakakatamad nang umuwi sa bahay at magbihis at umalis ulit.

Kahit papano ay nagpapasalamat ako sa driver ng taxi na nanalsik sa amin ng tubig kanal; dahil sa kanya ay hindi ko na kailangan pang umuwi.

Agad akong pinagbuksan ni Reyden ng pinto ng kanyang condo. Napatingin ako sa paligid. Napakapamilyar ng lugar na ito; nakita ko na ito sa panaginip. Napalinga ako sa kitchen, sumagi sa aking alaala na kasama ko rito si Reyden at ipinagluluto ko siya.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now