CHAPTER 37: What's Happening?

1K 86 23
                                    

Reyden

"Why isn't she waking up?" Nag-aalalang tanong ni Ethan na nakaupo at nagpapahinga sa kanyang higaan.

"I don't know. Sabi ng doktor dapat gising na siya ngayon." Nagugulumihanan kong sagot.

Twelve hours na ang nakalipas nang isugod siya rito sa ospital. Nagsisimula na akong mag-alala kung bakit hindi pa rin siya gumigising. Paano kung nasa panganib na naman ang nalipatan na katawan ng kanyang split? But they were already disconnected. Hindi na niya dapat nararamdaman ang lahat ng nararamdaman ng kanyang split.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako dapat nag-iisip ng kung anu-ano. The fact na buhay siya- ibig sabihin ay buhay din ang kanyang split.

"Did Ate Bel pick up the call?" Malungkot na tanong ni Ethan.

Nanlulumo akong napatingin sa kanya. Umiling ako.

"But she texted; she said she's okay. She's with Lee." Nag-aalinlangan kong sagot dahil alam kong magseselos na naman siya.

"Maybe she really likes Lee." Sobrang pait na sabi ni Ethan.

"I don't think so." Sagot ko sa kanya.

"Maybe she really deserves someone who can protect her." Patuloy niya.

Napangisi ako.

"You can protect her!" Giit ko.

Umiling siya. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na hindi niya matanggap na wala man lang siyang nagawa para kay Ate Bel.

"Lee made her stop!" Usal niya.

Napabuntong-hininga ako.

"But that doesn't mean that he is more deserving to be with Ate Bel." Sagot ko para salungatin ang kanyang pag-aalinlangan.

Hinawi niya ang kumot at marahang bumangon. Bumaba siya sa kama at dahan-dahang tumungo sa bintana. Malungkot siyang tumanaw sa mga nagliliwanag na ilaw sa labas.

"She'll come back. Hindi niya matitiis na hindi makita si Nina" Pampalubag loob ko.

Hindi siya nagsalita.

"Just tell her what you feel once she comes back." Seryoso kong payo sa kanya.

Malalim na buntong-hininga lamang ang isinagot niya sa akin. Ano bang pumipigil sa kanya para ipagtapat niya ang tunay niyang nararamdaman? Kapag hindi pa siya umamin ay maniniwala na ako sa sinasabi ni Nina na isa siyang torpe!

--------------------------------------------

Nina

Mariin kong pinagmamasdan si Nina na tahimik na nakaupo sa kama. Lumayo ako sa kanya nang magkasagutan kami kanina. Kapag hindi ko pinigil ang aking sarili ay baka masabunutan ko siya. Bakit ba pinagpipilitan niyang huwag na kaming bumalik? Bakit ba gusto niyang tuluyang mamatay? Saan ba siya nanggagaling?

Kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang gusto niyang gawin! Gusto ko pang makita at makasama ang lahat ng mahal ko sa buhay. Ayokong masayang ang lahat ng sakripisyong pinaghirapan ko sa loob ng mahabang panahon. Ano ba ang gagawin ko sa aking split?

Lumapit ako sa kanya.

"Wala ka bang pagsisisihan kapag hindi ka na bumalik?" Hamon kong tanong sa kanya.

Tinitigan niya ako. "I'd better die for them to live." Mahina niyang sagot.

Napabuntong-hininga ako. Wala talaga siyang bukambibig kundi ang die! "Okay, go! Kung gusto mo talagang mawala, fine! Tumalon ka na!" Nakangisi kong sabi sa kanya.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now