EPILOGUE

1K 76 67
                                    

Nina

Natakpan nang madilim na ulap ang liwanag ng buwan. Kumulog at kumidlat na para bang nagbabadya ng pag-ulan. Ang tunog ng kulog ay kasing lakas ng kabog ng aking dibdib.

Dumulas ang kamay ko nang muli akong umatras sa aking pagkakaupo. Wala na akong aatrasan! Muling kumidlat at nakita ko ang bangin sa aking likuran! Naramdaman ko ang patak ng ulan sa aking ulo. Tumutulo rin ba ang luha ng kalangitan? Sinasabayan ba ako ng langit sa aking pagluluksa? Tumulo ang aking mga luha. Ano ang gagawin ko?

Ang lahat ng ito ay dahil sa akin! Namatay si Jodie at Sky ng dahil sa akin. Pinatay sila ng lalaking nasa aking harapan para lang mamatay ako. Isusunod niya ang lahat ng mahal ko sa buhay kapag hindi ako namatay. Sinabi niyang isa akong sagabal sa mundo! Isa akong sagabal sa kanyang plano!

Lumunok ako sa huling pagkakataon. Tama ang sinabi ko dati sa aking sarili, magiging maayos ang lahat kapag ako ang nagsakripisyo. Magiging ligtas sila kapag ako ang nawala. Sinipat ko ang paligid, kailangan kong mawala bago pa makabalik si Reyden. Papatayin siya ng lalaking ito kapag sinubukan niya pang iligtas ako!

Itinukod ko ang aking mga kamay at pilit na itinayo ang aking mga nanginginig na binti. Sa muling pagkidlat ay muli kong naaninag ang lalim ng bangin!

"Kung gusto mo talagang patayin ako, gawin mo na ngayon pa lang!" Nanggagalaiti kong usal sa lalaking nasa aking harapan. Pinaghalo-halong galit, awa, at kawalan ng pag-asa ang aking nararamdaman.

Tanging ang anino na lamang niya ang aking naaaninag sa gitna ng kadiliman. Lumapit siya sa akin at iniamba sa ere ang hawak niyang patalim. Hindi ako nanlaban at hindi ako umiwas. Matatapos ang lahat sa araw na ito, ang araw na naging pinakamaligaya ako!

Inihanda ko ang aking sarili sa pagtama ng patalim. Katulad ng sinabi niya, mabubuhay ang iba kapag namatay ako. Ako lang ang dahilan ng lahat ng ito! Ako lang ang nais niyang mawala sa mundo!

Naramdaman ko ang pagtusok ng patalim sa aking balat at laman. Padiin ito ng padiin sa aking dibdib. Napasinghap ako at napaungol nang ibaon niya pa ito. Nagpakawala ako ng naghihingalong hininga. Binunot niya ang patalim! Dumaloy ang dugo sa aking dibdib.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Iniatras ko ang aking mga paa. Sa huling pagkakataon ay umusal ako ng panalangin; panalangin na ako lamang at ang Diyos ang nakaririnig!

Nahulog ako sa bangin!

--------------------------------------------

Reyden

"Nina!!!!" Sigaw ko nang makita siyang nahulog sa bangin.

Umugong sa aking tainga ang tunog ng kutsilyong nahulog sa lupa. Naaninag ko ang malaking lalaking madilim ang mukha! Lumabas ang mga ngipin niya habang siya ay malademonyong nakangiti.

Umakyat lahat ng galit at pagkasuklam sa aking pagkatao. Nagdilim ang aking paningin. Sumisigaw akong tumakbo pasugod sa kanya pero sa muling pagkidlat at pagdilim ng paligid ay nawala siyang bigla sa aking paningin.

Humahangos akong tumungo sa gilid ng bangin.

"Nina!!!! Nina!!!" Walang katapusan kong sigaw habang lumuluha.

Napaluhod akong humahagulgol. Hindi ko dapat siya iniwan!

-----------------------------------------------

Makaraan ang sampung araw na paghahanap.

Tumigil sa aking harapan si Montalban. Inabot niya sa kamay ko ang kwintas, ang engagement ring, at ang wedding ring na suot ni Nina ng gabing mahulog siya sa bangin.

Tulala akong hindi gumagalaw sa aking pagkakatayo. Wala ng luhang papatak dahil naiiyak ko na ang lahat sa dumaang mga araw na umaasa akong buhay siya!

Hindi ako makapaniwala. Hindi ito totoo! She's gone! Gone forever!

--------------------END---------------------


I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now