Chapter 55: Let's Date

980 84 42
                                    


Ate Bel

Lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tigas ng kanyang dibdib. Gumapang ang kamay niya sa aking tagiliran paakyat sa aking dibdib. Anong gagawin ko?

Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa kwarto. Nina!

"Meet me at the pool at exactly 9pm later!" Mariin niyang bulong.

Sa isang iglap ay nawala ang mainit na mga brasong nakapulupot sa akin. Bumakas ang pinto ng kwarto at nakangiting pumasok si Nina.

"Ate Bel, sabi mo susunod ka? Hinihintay kita sa hallway." Masigla niyang sabi.

Nakatulala lang akong nakatayo sa bungad ng veranda. Nanginginig ang mga tuhod ko! Hindi ako makahakbang. Binasa ko ang nanunuyo kong labi ng aking laway. Ano ba itong napasok ko?

-------------------------------

Nina

"Ate Bel, uy!" Malakas ang boses na tawag ko sa kanya.

Anong nangyari sa kanya? Para siyang estatwang nawalan ng kulay. Lumapit ako sabay snap ng aking daliri sa kanyang harapan.

"Tara na!" Muli kong yaya sa kanya.

Blangko ang mukha niyang tumingin sa akin sabay tulirong tumango. Napansin ko ang bukas na veranda. Lalabas sana ako nang bigla akong pigilan ni Ate Bel.

"No, no, don't go there!" Nagpa-panic niyang sabi.

Napakunot ang noo ko sabay taas ng aking kilay. Hinawi ko ang kurtina at iginala ang aking mga mata sa veranda. Wala namang kakaiba.

"Why?" Takang-taka kong tanong.

Sumilip si Ate Bel at nang makita niyang wala namang kahit ano sa labas ay pilit siyang ngumiti. Ano ba ang nangyayari sa babaeng ito?

"Don't tell me may nakikita ka na namang multo?" Panghuhula ko.

Ngumisi siya. "Parang ganon na nga." Hindi niya mapakaling sagot.

Wala akong nagawa kundi ang mapalabi. Weird!

----------------------------------

Ethan

"So, kelan ka aamin?" Tanong ni Reyden nang makapasok kami sa aking kwarto.

Inilapag niya ang kanyang mga gamit sa sahig at inilibot ang kanyang mata sa paligid. Hindi ako sumagot sa tanong niya.

"Your room is huge! I'll stay on the couch." Sabi niya.

"Yeah sure. It's actually convertible into a bed." Sabi ko sabay hila sa couch.

"Ethan, kelan ka aamin?" Muli niyang tanong.

Napahinga ako nang malalim. Kinakabahan ako sa tanong niya.

"Why are you so scared na aminin kay Ate Bel na gusto mo siya?" Diretso niyang tanong.

Napakamot ako sa aking ulo. "Yeah, I'm scared. Takot akong ma-reject." Mahina kong sagot.

"Really? Ang torpe mo, Ethan! Matagal na kayong magkasama ni Ate Bel. You were always together ever since magkakilala tayong lahat sa Baguio. I know you can also feel that you are special to Ate Bel." Mabilis at tuloy-tuloy niyang sabi.

Muli akong napabuntong-hininga. Paano ko ba ipapaliwanag ang pag-aalinlangang matagal ko nang nararamdaman.

"You said it yourself, Ate Bel treating me special doesn't mean she is romantically in love with me. Matagal na kaming magkasama pero ang parati niyang bukambibig ay magkaibigan kami, magkapatid kami, ate ko siya, etcetera, etcetera." Bitter kong sagot.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now