CHAPTER 8: Falling

1.2K 97 33
                                    

Nina

Hindi lang motorsiklo ang astig kundi pati ang driver nito na may cool na helmet at nakasuot ng all black mula ulo hanggang paa. Bumaba ang driver sa motor at unti-unti niyang tinanggal ang kanyang helmet.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang lalaki; si Reyden pala!

"Hey." Magiliw niyang bati sabay hagod ng buhok niya palikod.

Pati ang dalawang babaeng dumaan ay napasulyap sa kanya sabay bulong ng mga salitang ang gwapo!

"Surpised?" Ngingiti-ngiti niyang tanong na para bang gustong-gusto niyang natutulala ako sa mga pinaggagagawa niya.

"Yeah! Akala ko holdaper ka!" Biro ko para hindi mahalatang naglalaway ako dahil sa ganda ng kaniyang itsura.

Tumawa siya nang malutong.

"Kapag ako ang nanghold-up sa'yo, siguradong ibibigay mo lahat ng gusto ko." Nang-aasar niyang sabi sabay ngiti nang may pagkapilyo.

Para akong nahi-hypnotize ng kanyang magagandang mata. Sabihin niya lang kung hoholdapin na niya ako dahil talagang ibibigay ko sa kanya ang lahat. Usal ko sa aking isipan.

Tinikom ko ang aking bibig para pigilan ang kinikilig kong mga ngiti.

"Let's go." Yaya niya sabay kuha ng isa pang helmet sa compartment ng motor.

Lumapit siyang muli sa akin at isinuot sa aking ulo ang isang mas maliit na helmet na color pink.

"Sinong babae ang nakapagsuot na nito?" Curious kong tanong.

Pabiro niyang binatukan ang helmet na suot ko.

"Kabibili ko lang niyan para sa'yo." Sagot niya.

Tuluyan akong napangiti ng abot tenga. Mabuti na lang at natatakpan na ang aking mukha ng helmet dahil pakiramdam ko ay namumula na naman ang aking mga pisngi dahil sa sobrang kilig.

Isinuot niya na rin ang kanyang helmet at sumakay sa motor. Tinapik niya ang espasyo sa kanyang likod at sumenyas na sumakay na ako. Napalunok ako dahil sa kabang aking nararamdaman. First time kong sumakay sa motor.

Nang mapansin niya na hindi ako humahakbang ay inilahad niya ang kanyang kamay na may suot na black motorcycle gloves. Inabot ko ito at lumapit sa motorsiklo.

"Don't worry, ako ang bahala sa'yo." Bulong niya.

Inihakbang ko ang aking paa at sumampa sa motorsiklo. Kinuha ni Reyden ang magkabilang kamay ko at ipinulupot sa kanyang beywang.

"Just hold on tight." Paalala niya.

"Okay." Tangi kong nasabi sabay yakap sa kanya nang mahigpit.

Idinikit ko ang aking katawan sa kanyang likod at idinantay ang aking ulo sa kanyang matipunong balikat.

"Nina, too tight!" Sita niya nang mapasobra ang pagkakakapit ko.

Napangiti ako. Akala ko hindi na niya papansinin ang higpit ng yakap ko; para-paraan lang minsan para makayakap!

Pagkatapos ng halos dalawang oras sa daan ay tumigil si Reyden malapit sa isang tulay. Pinark niya ang motor sa gilid at inalalayan akong bumaba. Pagkababa ko ay agad niyang tinanggal ang aking helmet.

"Anong ginagawa natin dito?" Curious kong tanong.

Nakita ko ang kanyang mga ngiti nang alisin niya ang kanyang helmet.

"We're gonna jump!" Excited at ngingiti-ngiti niyang sagot.

Napataas ang kilay ko. "Anong jump?" Taka kong tanong.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon