CHAPTER 63: Familiar

884 79 18
                                    

Nina

Buong biyahe akong dasal nang dasal na sana ay maabutan ko pang buhay si Nanay. Pinagpapawisan ako nang malagkit kahit malakas ang aircon sa loob ng van. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang pumapalyang cellphone. Nang tingnan ko ay patay na ito at wala ng baterya.

Argg! Bwisit talagang Lee iyon! Kailangan ko ng itapon ang cellphone na ito para hindi ko na siya maiisip sa tuwing tititigan ko ang mga crack at sira ng aking telepono!

Saang ospital nila dinala si Nanay? Sobrang nag-aalala na talaga ako! Napadako ang tingin ko sa katabi kong matanda na may mahabang bigote at balbas. Nakapikit ang mga mata niya na parang wala siyang problema- buti pa siya.

Gabi na nang makarating ako sa Baguio. Bumaba ako malapit sa ospital na kutob kong itinakbo nila si Nanay. Nagmamadali akong pumunta sa front desk at nagtanong. Sa kamalasang pagkakataon ay wala ang pangalan ni Nanay sa emergency patient record nila.

Napalunok ako at agad na umalis sa ospital. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa aming bahay, mas mabuti nang umuwi kaysa maghanap pa sa ibang ospital. Pagkatigil ng taxi ay agad akong bumaba at nagmamadaling pumasok sa gate. Halos dalawang buwan lang akong nawala pero malaki na ang improvement ng aming tahanan.

Ito ang family house namin na matatapos ngayong darating na Pasko. Pero bakit parang may mali! Inatake si Nanay? Nagbago ba ang hinaharap?

Malakas kong itinulak ang pinto. Napanganga ako nang bumungad sa akin ang kapatid kong si Arjay na sarap na sarap na kumakain ng pizza.

"Oh, nandito na si Ate!" Masaya niyang balita sa lahat ng mga taong nasa malawak na sala. Kumpleto lahat ng mga kapatid kong lalaki na nakapalibot sa hapagkainan.

Nagsalubong ang kilay ko. Anong ibig sabihin nito!

"Anak! Sa wakas nandito ka na!" Magiliw na sabi ni Nanay na agad akong sinalubong ng yakap at halik.

Napalunok ako ng ilang beses. Nananaginip ba ako? Akala ko ba.....

"Nay, akala ko na-ospital ka!" Gulong-gulo kong tanong sa kanya.

"Anong na-ospital? Sinong na-ospital?" Taka niyang tanong pabalik na halatang walang alam sa mga pinagsasasabi ko.

Napatiim-bagang ako. "Arrggghhh, Arjay!!!" Galit kong sigaw. Binitawan ko ang aking bag.

Umuusok ang ilong kong lumapit sa nakababata kong kapatid sabay batok sa kanya. Muntik na niyang maluwa ang kinakain niyang pizza.

"Bwisit ka! Lang 'ya! Sabi mo 50:50 si Nanay!" Muli kong singhal sabay hampas sa kanya.

Tatawa-tawa siyang nang-asar pa hanggang sa maghabulan kami sa loob ng bahay. Natatawa na lang silang lahat na pinapanood kami habang nagbabangayan!

Kainis! Nadale ako dun ah! Akala ko talaga totoo! Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa nerbiyos!

"Malay ko bang hindi mo narinig yung last kong sinabi! Sabi ko joke lang!" Sigaw ni Arjay sabay iwas.

Nakukunsumi akong nagmaktol hanggang sa humupa ang aking emosyon.

"Kainis ka talaga, iniwan ko ang boyfriend ko dahil sa joke mo!" Naibulalas ko. Napatingin silang lahat sa akin.

"Nak, may boyfriend ka na? May nagkagusto sa'yo?" Dilat na dilat ang mga matang tanong ni Nanay.

Napataas ang nguso ko. Kagulat-gulat bang may nagkagusto sa akin? "Nay naman! Sa ganda kong 'to nagtaka pa kayo!" Banat ko.

Nang-aasar silang tumawa at nangantyaw. Hindi sila naniniwala!

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now