CHAPTER 36: WE'RE DEAD!

1K 104 21
                                    

Ethan

Ang sakit ng katawan ko! Panandalian akong nawalan ng malay nang tumilapon ako sa pintuan. Hindi ko akalaing wala man lang akong nagawa para patigilin si Ate Bel!

Ang nangyari ngayon ay parehong-pareho sa nangyari noong nasa guest room kaming apat. Anong nangyayari kay Ate Bel? Bakit bigla na lang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata at buhok?

Itinungkod ko ang aking mga kamay para makabangon. Nanlalabo pa ang aking paningin pero alam kong tumigil na sa pagwawala ang hangin sa paligid.

Unang hinanap ng mga mata ko si Ate Bel. Nakita ko siyang walang malay na hawak hawak ng isang lalaking nakatalikod. Hindi ako maaaring magkamali, bakit nandito si Lee?

Paano niya nagawang patigilin sa pagwawala si Ate Bel?

Binuhat niya si Ate Bel. Napakuyom ang aking kamao. Naiinis ako sa tuwing hahawakan niya si Ate Bel. Muli kong naalala ang panaginip na paulit-ulit kong nakita; ang panaginip kung saan masaya silang magkasamang dalawa sa iisang bubong at may kumpletong pamilya!

Hindi pa ako tuluyang nakakabangon nang dumaan si Lee na buhat-buhat si Ate Bel.

"Put her down!" Nagpupuyos kong utos sabay tingin kay Lee.

Tinapunan niya ako ng tingin. Seryoso ang kanyang mukha na humarap sa akin.

"You don't deserve Bel. She deserves someone who can protect her!" Mariin niyang sagot.

Nagpanting ang tenga ko. Lalo kong kinuyom ang aking kamao.

"I said put her down!" Matapang kong utos sa kabila nang katotohanang nanghihina pa rin ako.

Hindi siya nakinig. Nagpatuloy siya sa paglabas ng simbahan. Galit na galit akong naiwang nakaluhod sa sahig. Shit! Hindi ako makatayo!

"Ate Bel!" Desperado kong sigaw. Hindi ko man lang magawang kunin ang babaeng minamahal ko!

---------------------------------------------

Reyden

Tulala akong nakaupo sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang kamay ni Nina. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari. Inaamin kong nakaramdam ako ng takot at pangamba nang makita kong nag-iba ang itsura ni Ate Bel.

I still cannot absord na pwede palang mangyari sa totoong buhay ang bagay na akala ko ay sa mga pelikula lamang nagaganap. Akala ko talaga ay babagsak ang buong simbahan kanina.

Napatingin ako sa kabilang kama kung saan nakahiga at natutulog si Ethan. Ethan suffered from severe muscle and body pain lalo na sa bandang likod dahil sa pagtilapon niya kanina.

Hindi ko maatim na makita siyang desperadong desperado dahil sa Lee na iyon. Gustuhin ko mang makialam kanina nang ilayo ni Lee si Ate Bel ay hindi ko na nagawa dahil ang buong atensyon ko ay nakay Nina.

Pagkalabas na pagkalabas ni Lee sa simbahan ay dumating ang ambulansiya at agad na naisugod si Nina at Ethan dito sa ospital.

Sabi ng doktor ay ligtas na si Nina. They found out na nakainom siya ng gamot na tinatawag na fake death pill. Kung hindi naagapan malamang ay mauuwi talaga sa kamatayan ang kalagayan niya kahit sabihing pinagmukha lang siyang patay.

Napasapo ako sa aking noo. Naguguluhan ako sa mga nangyayari! Kung talagang gustong patayin ng Meridith na iyon si Nina, bakit hindi na lang niya pinatay ng diretso?

Napabuntong-hininga ako. Hinaplos ko ang kamay ni Nina sabay pikit. Okay na ang lahat, okay na! Kampante na ako dahil ligtas si Nina at hihintayin ko na lang siyang magising. Nagpapasalamat din ako dahil nakawala na rin ang kanyang split at aabangan na lang namin ang muli niyang pagpapakita sa ibang katawan.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now