CHAPTER 40: So Much Embarrassed

1K 96 33
                                    

Nina

Hindi talaga ako makapaniwala! Hindi ako nananaginip! Buo na talaga ako. Nagagawa ko nang yakapin at halikan ang lalaking matagal ko ng pinapangarap.

Lumapad ang aking pagkakangiti. "Punish me with what?" Hamon kong tanong sa sinabi niya.

Kumislap ang mga mata ni Reyden na parang may iniisip siyang kakaiba.

"With pleasure." Pilyo niyang bulong sa aking tenga. Gumapang ang kiliti sa aking buong katawan dahil sa mainit niyang hininga.

Kinikilig akong tumawa nang malakas. "Stop that! May kasalanan ka pa rin sa akin! You haven't answered my question before. Remember, you made me wait for four years!" Pangongonsensya ko sa kanya.

Napangisi siya. "Sinagot ko na ang tanong mong 'yan matagal na; ikaw itong hinimatay kaya hindi mo narinig." Pang-aasar niya.

Napalabi ako. "When?" Takang-taka kong tanong.

"When you were inside Mia's body." Sagot niya

Muli akong napabusangot. Iyon ba ang pagkakataong nakatulog ako ng tatlong araw? "Can't you just tell me your answer?" Nanlulumo kong tanong.

Tumawa siya. "Maybe next time." Ngingiti-ngiti at nang-aasar niyang sagot.

Pamaktol kong hinampas ang kanyang dibdib. "Hindi pa sabihin!" Tampo kong sabi.

Tumawa lang siya. Kainis, nang-aasar pa siyang talaga. Napangiti ako. Alam ko naman na ang sagot niya gusto ko lang marinig mula mismo sa kanyang bibig.

Iginala ko ang aking mga mata sa paligid.

"Where's Ate Bel and Ethan?" Tanong ko.

Napatikom ang bibig ni Reyden. Bakit parang bigla siyang nag-alinlangan sa pagsagot.

Natigil kami nang may magbukas ng pinto at pumasok ang isang dalagita.

"Kuya Reyden! Ate Nina!" Hinihingal niyang tawag habang nakangiti.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Jenny!" Halos sabay naming tawag ni Reyden.

Napamulagat ang aking mga mata. Si Jenny na ba talaga iyan?

"Yeah, it's me!" Magiliw at masiglang sagot ng dalagita.

Lumapad ang aking ngiti. Parang kailan lang nang makita ko siyang nakahawak sa braso ni Ethan sa Baguio. Ang liit pa niya noon; ibang-iba sa itsura niya ngayon!

Agad akong bumangon at sinalubong siya ng yakap. Mas matangkad na siya sa akin at nagsisimula nang mag-mature ang kanyang katawan. Nakatali ang mahaba niyang buhok na kulay dark brown.

"Ate, good to see you again!" Excited na excited niyang sabi.

"Jenny, how come you're here!" Curious kong tanong.

"Kuya Ethan said he is in the hospital, so we're here to visit!" Masigla niyang sagot.

"Really? We? Kasama mo ba si Tita?" Taka kong tanong.

"Nope Ate, I'm with someone else. It's nice to see you back to your body, Ate Nina. Kuya said you are here but I didn't expect that you are really back." Sabi niya sabay ngiti.

Napangiti ako. Ang galing talaga nitong si Jenny. Alam niyang nakabalik na ako sa aking katawan. Naghiwalay kaming dalawa at sunod niyang niyakap si Reyden.

"It's nice to see you Kuya Reyden. I'm happy you and Ate Nina are finally together." Sabi ni Jenny.

"Nice to see you again, little girl!" Malambing na sabi ni Reyden.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now