CHAPTER 49: Kill

1K 120 64
                                    

Nina

Mariin kong tinitigan si Meridith at ang palakol na hawak niya. "It's N!" Sagot ko. Napangisi ako! Madali naman akong kausap, di na niya ako kailangan pang takutin!

Alam kong hindi nila ako papatayin hanggat hindi nila nakikita si Ate Bel. Hindi ko dapat hayaang masaktan pa ako dahil kailangan ko ng lakas para makawala kapag dumating ang tamang pagkakataon!

"Call Jenny!" Ako na mismo ang nagsabi.

Oras. Kailangan tumakbo ng oras! Kailangan lumipas ang full moon para mawalan sila ng panahon para sa ritwal.

Nagring ang cellphone ni Jenny. Pinilit kong hindi matawa. Walang sasagot niyan dahil nahulog ni Jenny ang cellphone niya!

Nakailang beses na tinawagan ni Lee ang number ni Jenny pero walang sumasagot hanggang sa hindi na ito matawagan! Nanggigigil na siya sa kahihintay bago niya ako muling binalingan at pinagbantaan.

"Call Ethan!" Sabi ko matapos ang ilang minuto.

Sumunod siya at tinawagan si Ethan. Hindi nagriring ang kabilang linya. Tumawa ako.

"You will never have Ate Bel! They're gone! They won't come back for me!" Pang-aasar ko.

Ang lakas ng loob kong mang-asar samantalang ako itong nakatali.

Malademonyong tumawa si Meridith. "Full Moon comes every month, Nina! She might have escaped now, but soon we will catch her again!" Sabi niya sabay buhat sa palakol!

Dumagundong sa pangamba ang dibdib ko. Hindi sila titigil hanggat hindi nila nagagawa ang gusto nila. Hahanapin at hahanapin nila si Ate Bel para magawa ang ritwal!

Palapit na siya habang mahigpit na hawak ang palakol na siguradong ihahampas niya sa aking ulo. Kitang-kita ko sa mga mata niya na papatayin niya talaga ako!

"Soon you'll be part of all these souls!" Sabi niya na hindi ko naman alam ang ibig sabihin.

Mabigat at pahingal akong huminga. Itinaas niya sa aking ulunan ang palakol. Kinuyom ko ang aking kamao. Hindi ako mamamatay dito dahil alam kong mabubuhay pa ako nang matagal! Ipinikit ko ang aking mga mata. God please, kailangan ko ngayon ng milagro!

Aktong papalakulin na niya ako nang biglang may sumigaw.

"STOP!" Umalingawngaw sa tahimik at madilim na lugar ang matapang na boses ni Ate Bel.

Napamulagat ako nang makita ko siyang nakatayo sa bungad ng exit door. Hawak-hawak niya sa kanyang kamay ang isang hindi kahabaang tubo.

Anong ginagawa niya rito! Bakit pa siya bumalik! Nasaan si Ethan?

"Stop it or I'll break these!" Sabi ni Ate Bel sabay tapat ng tubo sa mga garapon sa kanyang tabi.

Napakunot ang noo ko. Nababaliw na ba si Ate Bel, bakit mga garapon ang ginagawa niyang hostage?

Biglang sumimangot si Meridith. Ibinaba niya ang hawak niyang palakol. Matalim niyang tinitigan si Ate Bel. Bakit siya tumigil? Ano ang meron sa mga garapon at parang mahalaga ito para sa kanya?

"Let her go!" Mariing utos ni Ate Bel.

"In exchange for you!" Sabat ni Lee sabay hagis ng cellphone na hawak niya.

Kainis! Nagcrack ang screen ng phone ko nang tumama ito sa simento sa aking harapan. Bwisit na Lee ito! Wala akong perang pambili ng bago!

"I'll do whatever you want! Just let her go!" Sigaw ni Ate Bel.

Nagtinginan sila Lee at Meridith. Tumawa si Meridith. "Don't fool us around, Bel!" Pagbabanta niya.

"I'm not fooling you, let her go!" Seryosong sabi ni Ate Bel.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon