CHAPTER 34: Fall and Die

1K 97 28
                                    

Reyden

Kinakabahan akong hindi ko mawari nang makita si Ate Bel na umiiyak at may kayakap. Nandito ba talaga si Nina?

"Ate Bel, is she really there?" Nagugulumihanan kong tanong.

Inabot niya ang aking kamay. Pagmulat ko ay unti-unting bumilog ang aking mga mata.

Nakikita ko si Nina! Magkamukhang magkamukha sila ang pinagkaiba lang ay isa siyang kaluluwa na humahalo ang kulay sa hangin. Napalunok ako nang malalim. Umupo ako sa kanyang harapan habang hawak-hawak pa rin ang kamay ni Ate Bel. Titig na titig ako sa kanyang mukha.

Nakita ko ang suot niyang kwintas. Ngumiti ako. Siya nga si Nina!

"Hi..." Wala akong mahagilap na salitang dapat kong sabihin.

Banayad siyang ngumiti. "You found me." Maamo niyang sabi.

Tumango ako. "We found you." Sabi ko sabay haplos sa kanyang pisngi.

Malungkot akong napangisi nang hindi ko siya nahawakan.

"It's okay, you can hold me through my body. Nahanap mo na rin siya, di ba?" Pampalubag loob niya.

Muli akong tumango. "Siya ang nakahanap sa akin." Biro ko.

Bahagya siyang tumawa. "I'm sorry for everything." Naluluha niyang sambit.

"Ask forgiveness once you're back to your body. I will wait for you kahit gaano pa katagal." Sagot ko para bigyan siya ng dahilan na ipagpatuloy ang kanyang misyon.

Umabot sa tenga ang kanyang mga ngiti. "Don't worry, babalik at babalik ako, pangako 'yon!" Sagot niya.

"I will hold on to that promise. " Puno ng emosyong bulong ko sa kanya.

"Take care of my body until I get back." Ganti niyang bulong. Umagos ang mga luha sa kanyang pisngi.

"I will, I promise." Sabi ko sabay pabirong gulo sa kanyang buhok kahit hindi ko naman talaga ito nahahawakan.

"Goodbye for now." Umiiyak niyang paalam.

Tumango ako. Pinigil ko ang aking sarili sa pag-iyak. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Just call us kapag nakalipat ka na sa ibang katawan." Paalala ko sa kanya.

Marahan siyang tumango.

"Let's go. She needs to go." Naiiyak na sabi ni Ate Bel.

Binitawan niya ang kamay ko. Muli akong napalunok sabay singhap, hindi ko na nakikita si Nina. Ang bigat sa pakiramdam na mawawala na naman siya; parang may paulit-ulit na dumadagan sa aking dibdib! Nawala na ba siyang talaga? Gusto ko pa siyang makita pero kailangan na niyang umalis!

Tumayo ako at tumalikod. Tumulo ang butil ng luha sa aking pisngi. Agad ko itong pinalis. Kailangan kong maging matatag; hindi pa kami tapos sa paghahanap kay Nina!

-------------------------------------------------------------

Nina

Hinayaan kong patuloy na tumulo ang mga luha sa aking kandungan nang bitawan ni Ate Bel ang kamay ni Reyden. Gusto ko pa siyang makita, gusto ko pa siyang makasama, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong magkita kaming muli!

Inalalayan ako ni Ate Bel sa pagtayo. Hinawakan niya ang bracelet.

Umiling ako. "Mamaya na Ate Bel." Pakiusap ko sa kanya habang humihikbi.

Hindi kumibo si Ate Bel at muling binitawan ang bracelet. Pinagbigyan niya ako.

Nakasunod kami kay Reyden na naglakad paakyat sa hagdan. Napanganga ako nang makita ko si Ethan sa durungawan ng lagusan. Nagtataka akong tumingin kay Ate Bel na ang isinagot sa akin ay buntong-hininga lamang.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now