CHAPTER 3: STALKER

1.3K 119 22
                                    

Nina

Nakita kong pumasok siya sa loob ng nightclub. Seryoso ba siya? Talaga bang pumupunta siya sa mga ganitong lugar? Napangisi ako nang mag-fast forward ang magaling kong utak at kung anu-ano na ang naisip ko na pwede niyang gawin sa loob.

Isshhh! Ayokong isiping may kasama siyang babae sa loob!

Lumapit ako sa entrance. Hinarang ako ng isang lalaking matangkad at malaki ang katawan na nakasuot ng kulay itim na t-shirt. Nakikita ko lang ang ganitong mga itsura sa pelikula; yung tipong tatalsik ka kapag napitik ka lang nila.

Napalunok ako nang hindi siya umalis sa kanyang kinatatayuan at patuloy na hinarangan ang daan.

"Bawal minor dito!" Malalim at nananakot ang boses na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me, hindi ako minor!" Matapang kong sagot.

Nginisian niya ako.

"ID mo!" Utos niya na parang naninindak.

Kinapa ko sa bulsa ng aking hoodie ang aking card holder at inilabas ito. Hinugot ko ang aking iD sa kumpol ng mga cards sabay pakita sa bouncer.

Matagal niya itong tinitigan sabay titig sa akin! Ang sarap tusukin ng mga mata niya. Purkit ba maliit ako ay pagkakamalan niya na akong minor!

Salubong ang kilay niyang ibinalik ang ID ko na parang hindi pa rin siya makapaniwalang 24 yrs old na ako, well turning 24 pa lang sa May 28.

Bahagya siyang tumabi at binigyan ako ng daan papasok.

Agad akong napaubo nang malanghap ang usok mula sa sigarilyo ng mga nag-iinumang kabataan sa loob ng club. Tinakpan ko ang aking ilog at bibig habang lilinga-lingang hinanap si Reyden.

Natanaw ko siyang nakaupo sa counter ng bar at may kausap na isang lalaking may edad na. Sumandal ako sa posteng nasa gilid habang hinihintay kung ano ang susunod niyang gagawin. Bilang na bilang ko nang makatatlong shot siya ng alak.

May inabot na maliit na bagay ang lalaking kausap niya. Saglit pa silang nag-usap at pagkatapos ay tinapik na ni Reyden ang likuran ng matanda senyales na nagpapaalam na siya.

Umikot ako sa poste para hindi niya ako makita pagharap niya.

-------------------------

Reyden

Sa wakas ay ibinigay na niya ang usb pagkatapos ng mahabang pasakalye. Nang makatiyempo ako ay agad na akong nagpaalam dahil alam kong malalasing lang ako kapag nagpatuloy ako sa pakikinig sa mga kwento niya.

Malapit na ako sa Exit nang biglang may humila sa aking braso.

"Reyden?" Patanong niyang tawag sa aking pangalan.

Saglit kong inalala kung sino ang babaeng nasa aking harapan. Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. Blonde ang kulay ng kanyang buhok at napakakapal ng kanyang make-up samahan pa ng napakapula niyang lipstick.

Nakasuot siya ng tube at kitang kita ang kanyang cleavage na ipit na ipit dahil sa masikip niyang damit. Sino na nga ba siya?

"Hey, it's me, Melissa!" Nakangiti niyang sabi sabay hila sa kamay ko.

Inilagay niya ang aking kamay sa kanyang beywang at idinikit ang kanyang dibdib sa aking katawan. Napalunok ako nang himasin niya ang aking dibdib gamit ang mapaglaro niyang kamay. Naaalala ko na siya, kaklase ko siya sa noong college.

"Hi! Long time no see." Tangi kong nasabi.

"Yeah! Haven't seen you around for the past years. Wanna catch up? I'll make sure you'll enjoy the night!" Nang-aakit niyang yaya sabay haplos sa aking pisngi.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon